Chapter 3

4.2K 84 1
                                    

AGENT LIM


"Good morning, Sunshine! Good morning, New York! Good morning, Agent Mikha Lim!"


Bungad ni Maloi ng pumasok ito sa Kwarto ko, with matching hand gestures pa langya ang aga mang bulabog nito.


"Maloi what the fuck? Ang aga aga!" Sabi ko dito at binato sya ng unan, agad naman nyang nasalag ito at tinawanan ako


Teka paano nga ba nakapasok to dito? Then I suddenly remembered na by scanning our ID's ay pwede na kaming makapasok sa room ng bawat isa.


"Bangon na Mikhs! Pumunta lang talaga ko dito para gisingin ka, may pagka tulog mantika ka kasi pero dahil gising ka na ay lalabas na ako, at sila Colet naman ang gigisingin ko." Sabi nito


"Istorbo ka! For pete sake Maloi, anong oras palang oh!" Sabi ko sa kanya


"Mas okay nang maaga no, tyaka pasalamat ka nalang na ginising kita, ayaw mo yon? Ako human Alarm clock mo. Be thankful ang bait kong kaibigan." Sagot naman nya sakin


"Anong be thankful? Nanira ka ng tulog tapos be thankful!? Lumabas ka na nga! Bwiset ka" Iritableng sagot ko sa kanya bwiset talaga.


"You're Welcome, Agent Lim" Tumatawang sagot nito at lumabas ng kwarto ko, sila Colet naman daw ang gigisingin nya, too much energy ng ganito kaaga ah.


Nang makalabas si Maloi ay tinignan ko ang orasan ko at napamura ako ng makita ko kung anong oras palang, shit! 4:30 am palang kahit kailan ka talaga Ricalde, pinilit kong matulog ulit pero naka ilang palit na ko ng position ay hindi pa rin ako makatulog.


Bwiset talaga panira!


Dahil hindi na nga ako makatulog ulit ay ginayak ko nalang yung mga kailangan ko, well, I admit na medyo naexcite din naman ako sa pupuntahan naming camp pero hindi kasing excited ni Maloi, naiinis pa rin kasi talaga ako sa lahat ng nangyayari.


When I make sure na complete na lahat ng kailangan ko ay agad na rin akong bumaba, then naabutan ko na sila na nandon sa cafeteria, just like me may mga dala din silang malalaking bag If anyone can see us ay aakalain na mag ca-camping kami.


While I was eating ay dumating naman si Chloe, medyo inaantok pa ang isang to, halata din sa kanya dahil nagkukusot pa sya ng mata.


Well, sino ba naman ang hindi aantukin?


Ang aga ng call time!


"Goodmorning Agent Chloe!" Bati ni Jho, pati ang iba naming kasama ay binati sya pero dahil nga antok na antok pa sya ay ni isa sa kanila ay hindi nya pinansin.


Dito sya dumiretso sa table ko at tumabi din sakin kasabay non ay sumandal sya sa balikat ko, expected ko na rin na gagawin nya yon. Lagi naman kasi nyang ginagawa yan lalo na kapag antok na antok talaga sya kaya hindi na ko nagulat and aside of that ay normal na samin yong magkakaibigan.

Love, Mission and Lies (MikhAiah Fanfiction)Where stories live. Discover now