Chapter 24

3K 110 16
                                    


AGENT LIM


May training dapat kami ngayon nila Aiah but instead ay cinancel muna ni Coach yon at pinapunta nya kaming apat nila Colet sa office may pag uusapan daw kami. It's look like my punishment kaming apat.


Pag pasok namin ay naabutan din namin si Mikki na nasa office mukhang pinatawag din sya, ang alam ko kasi ay diretso practice na rin sya dapat dahil may competition silang sasalihan pero andito din sya ngayon sa office.


"Akala ko ako lang yung pinatawag eh" sabi ni Mikki habang naka upo sa sofa, akala mo nasa bahay lang ah, may hawak pang kape.


"Pinagalitan ka ba ng Coach nyo?"


"Hindi ko pa nakikita si Coach kanina, pero pinatawag daw ako kaya I'm here also in the office" paliwanag nya sakin "Mukhang yari tayong lima ngayon" dagdag pa nya


"Mas yari yung dalawa to kapag nakita ng coach namin yang mga sugat nila" sabi ni Jho while pointing out our brushes.


"Bakit kaya tayo pinatawag? Cancel naman yung training ng band team" dagdag pa ni Maloi


"For sure may punishment tayo nito, one-week lang naman kasi yung paalam natin" wika naman ni Colet


Habang nag uusap sila ay tahimik lang naman akong nakikinig sa kanila, I'm a bit sleepy pa rin kasi since medyo late na kami nakatulog ni Aiah and aside from that ay masakit din yung likod ko. Sa sofa kasi ako nakatulog, napa haba yung kwentuhan namin and nanood pa din kami ng movie kagabi nihindi ko nga napansing nakatulugan ko na sya nakaka hiya tuloy. 


Napapangiti  nalang ako ng maalala ko yung mga nangyari kagabi.


Gago bakit parang kinikilig pa ako?


"Ngiting inlove ka dyan ah" sabi ni Colet sakin


"Baliw, hindi no" wika ko at sumeryoso ng tingin sa kanya


"Kumusta sugat mo? Sabi ni Jho dumugo daw kagabi" wika ulit ni Colet


"Ikaw ba naman yakapin ng mahigpit, dudugo talaga yan" natatawang sagot ni Mikki kaya napatingin ako sa kanya.


Nakita nya yon?


Agad naman syang tumango sakin as an answer


Naalala ko tuloy yung nangyari kagabi, muntik nang makita nila Aiah yung sugat ko


Flashback


Nakayakap pa rin si Aiah sakin fom behind, hindi ko alam paano ako mag rereact aside sa naririnig ko yung tibok ng puso ko ay sumasakit din yung sugat ko, feeling ko ay dumudugo na ito.


"Uhm, Aiah?" Wika ko trying not to stutter.


Love, Mission and Lies (MikhAiah Fanfiction)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें