Chapter 30

2.9K 121 10
                                    

AGENT LIM


Kagaya ng napag usapan naming magkakaibigan ay agad na rin ako sumunod sa kanila sa restaurant pagkatapos kong magligpit. Yung flowers ay tinabi ko na rin dito sa office, iniwasan ko talagang ilagay yon sa room namin dahil alam kong pwedeng makita ni Aiah yon.


Pagdating ko sa labas ng restaurant ay nag aabang na sila Colet sakin, akala ko pa man din ay nauna na silang umorder pero yun pala ay hinintay pa nila ako. Mukha tuloy silang isang grupo na may inaabangan, kaya napapatingin din yung ibang guest sa kanila.


"Bakit hindi pa kayo pumasok sa loob?" Takang takang tanong ko sa kanila paano ba naman nakatayo lang sila sa labas tapos nasa may entrance pa


"Hinihintay ka namin eh, baka mamaya scam lang pala yung sinabi mo" sagot naman ni Maloi


"Ginagaya mo naman ako sayo. Hindi ako sanay mang scam" sagot ko naman


"Naniniguro lang aba, ang mahal ng mga pagkain dito sa restaurant nyo eh" reklamo pa nya


"Bakit ka sakin nag rereklamo? Don ka sa tatay ko mag complain"


"Ayoko, baka hindi na ako makapunta sa inyo. Masarap pa naman magluto si Tita" sagot nya sakin


"Alam mo ikaw, may pagka PG ka talaga no?" Sabat naman ni Jho sa usapan namin


"Patay gutom" natatawang sabi ni Ysay


"Loko!" Wika ni Maloi at binatukan si Ysay, kaya sabay sabay kaming natawa.


"Ehem!"


Sabay sabay naman kaming napatingin ng makarinig kami ng pagubo mula sa likod namin.


"Kung maglalaro lang kayo ay wag dito sa harapan ng restaurant para hindi kayo maka abala sa ibang guest. Malalaki na kayo para pagsabihan" mataray na sabi nung isang staff dito, kaya napa tingin ako sa kanya ng seryoso


Agad namang tumabi yung mga kaibigan ko para mag give way, samantalang ako naman ay nakatayo pa rin sa harapan at seryoso lang nakatingin sa kanya. Yung Staff na nasa harapan ko ay tinaasan lang ako ng kilay, ah sya ata yung Supervisor na inirereklamo ng ibang staff dito.


Yung mga kaibigan ko ay nauna nang pumasok nang makapag sorry sila sa Supervisor na kaharap ko, samantalang ako naman ay naiwan pa dito balak ko kasi syang kausapin. Nang akmang papasok na yung Supervisor ay nagsalita na ako.


"What's your name again?" Seryosong tanong ko sa kanya


"Excuse me?" Tanong nito sakin pabalik, tinaasan pa nya ako ng kilay. Mataray nga talaga.


"How long have you been working here?" Tanong ko pa ulit sa kanya.


Hindi sya sumagot at tinignan lang ako mula ulo hanggang paa kaya mas nainis ako dahil sa ginawa nya.

Love, Mission and Lies (MikhAiah Fanfiction)Where stories live. Discover now