Chapter 32

3.2K 85 6
                                    

AGENT LIM


"Good morning AURORA and magandang umaga sa inyo mga kaibigan ko" maingay na sabi ni Maloi, walang hiya talaga to ang aga aga napaka ingay.


"Ang aga Maloi ah" sabi ni Chloe sa kanya


"Ganon talaga kailangan full of positive vibes agad." Sagot naman nya


"Kung sayo naman galing mas mabuting wag nalang" Sagot pa ni Chloe, bakit parang ang aga nitong bad mood


"It's early pero bakit mukhang bad mood ka, Chloe" tanong ni Ysay sa kanya


"Paano hindi ako nakatulog ng maayos kagabi ang lakas maghilik ni Maloi" sagot ni Chloe at tinignan nang masama si Maloi


Natawa naman kami nila Colet dahil sa sinabi nito, ngayon lang kasi namin nakasama sa iisang room si Chloe kaya hindi nya alam na malakas maghilik si Maloi, kami nila Jho kasi ay sanay na.


"Nag rereklamo ka pa dyan, Ikaw na nga lang yung nakikitabi" sagot naman nito.


Kami palang magkakaibigan yung andito sa cabin na nirent ko, probably ay tulog pa siguro sila Aiah.


"Anong plano natin ngayong araw?" Tanong ni Colet habang umiinom sya ng coffee.


Colet seems really happy ah.


"Bakit parehas kayong Good mood ngayon ha, Colet and Mikha" puna ni Jho samin.


Nagkatinginan naman kami ni Colet at parehas natawa, I guess kami talaga yung nagkaka intindihan ngayon.


"Hala nabaliw na oh, natawa pa nga" sabi pa ni Maloi


"Yung kay Mikha may idea kami, Pero yung sayo Colet wala kaming alam" dagdag na sabi pa ni Ysay


"Pero wait nga lang, Mikha. Yung about kagabi, are you finally courting her na ba?" Tanong ni Mikki sakin


"Not yet, mangliligaw palang ako."


"HA!?" Sabay sabay na react nila except kay Colet na tahimik na nag kakape


"Eh ano yung kagabi?" Naguguluhang tanong ni Chloe


"It's just a simple appreciation dinner."


"Luh, may pa ganon pa nga. Hindi nalang magligawan eh" singit naman ni Ysay


"Wag kayong excited darating din tayo dyan, pero let's go back muna kay Colet" sabi ko at nginitian sila.


Napatingin naman sakin si Colet nang seryoso nang ilagay ko sya sa spotlight.


Love, Mission and Lies (MikhAiah Fanfiction)Where stories live. Discover now