AIAH
"AHHHHH! BAKIT KO GINAWA YON!?"
I shouted habang paikot-ikot dito sa kwarto ko. Hindi ko na mabilang kung naka ilang ikot na ba ako, mabuti nalang at soundproof itong room ko, hindi nila maririnig sa kabila. Nandon pa naman sila Mikha, baka isipin nila nababaliw na ako.
Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ko at bigla ko syang niyakap.
Aiah naman! Baka maawkwardan yon.
"ANO YUNG GINAWA MO HA? AIAH!? BAKIT MO SYA NIYAKAP!? ANO YUNG BAKA MAINLOVE KA SAKIN!?" tumigil ako sa harap ng salamin at tinignan ang sarili ko.
"WHAT WAS THAT!?"
"HUY AIAH!"
"Ay, Mikha!"
Napasigaw ako sa gulat nang marinig kong may magsalita mula sa likuran ko
"Anong Mikha ka dyan?" tanong nya sakin
Nang lingunin ko kung sino yon, ay napahinga ako ng malalim at naiiyak na lumapit sa kanya
"Shee..." sinalubong ko sya ng yakap, ramdam ko nung una ay parang nag dadalawang isip pa sya at nacucurious kung anong nangyayari sakin.
"Naguguluhan na ako Shee" wika ko habang nakayakap pa rin sa kanya
"Ano bang nangyayari sayo? Kanina pa ko kumakatok tapos pagpasok ko sumisigaw ka dyan, pangalan pa ni Mikha yung binanggit mo" wika nya sakin
"Ano nga bang nangyayari sakin, Shee?" Kumalas ako sa pagkaka yakap sa kanya at hinawakan ko ang dalawang pisngi nya.
"Sabihin mo! Sabihin mo!"
"Teka nga! Nababaliw ka na ba ha!? Anong sabihin mo, sabihin mo? Anong sasabihin?" Naguguluhang tanong nya sakin
"Na ano, na ikaw si Sheena yung bestfriend ko na may gusto kay Colet" asar ko sa kanya
"Nabuang ka na nga talaga" sagot nya sakin habang umiiling
Natawa naman ako ng bahagya dahil sa tono ng pananalita nya. Ganyan sya kapag stress na sya sakin sinasabihan nya ako ng buang, which is okay lang kasi kapag sya yung nagsasabi ay cute.
"Bakit? Totoo naman diba?" Pang aasar ko pa sa kanya, namumula na tuloy sya ngayon
"Sabagay, tama ka naman. Wag kang magulo sayo ko palang sinasabi" pag amin nya sakin, kaya napangiti ako.
"Ikaw nga rin, sabihin mo," dagdag pa nya
"Ang alin naman?"
![](https://img.wattpad.com/cover/328348768-288-k761788.jpg)
YOU ARE READING
Love, Mission and Lies (MikhAiah Fanfiction)
FanfictionFIRST RULE: BAWAL MAINLOVE SA SUBJECT MO. ANO ANG PIPILIIN MO PAGIBIG O TAWAG NG TUNGKULIN? PAANO KUNG ANG SUBJECT MO AY GALIT SA ISANG AGENT NA KATULAD MO? WHAT WILL SECRET AGENT MIKHA LIM DO IF SHE FALLS IN LOVE WITH SINGER/MODEL AND HER SUBJEC...