Chapter 5

3.2K 82 1
                                    

AGENT LIM


Pag dating namin sa headquarters ay dumiretso na kami sa Office ng Superior namin, hindi na rin namin inalis sa Shuttle ang mga gamit namin dahil ngayong araw din ang flight namin pabalik ng Pilipinas, pumunta lang kami dito para sa ibang instruction ng Head namin.


Pagpasok palang namin ay sinalubong na kami ng sobrang busy na atmosphere ng office, wala pa rin talagang pinag bago. Iniscan na muna namin ang ID namin at fingerprints bago kami pumasok.


Nang makapsok kami sa Office ay umupo na agad kami sa mga pwesto namin at kasunod naman nito ay ang pagdating ng Boss namin, kasama sila Ate Sav, nagulat naman kami dahil kilala sila ng Simulator namin.


"Welcome Back Agents!" Yun na lamang ang sinabi ng simulator


"Mukhang naguguluhan na naman kayo ah, okay here's the thing silang dalawa ang nag program sa Simulator na ginagamit natin. Even other simulator na ginagamit sa ibang offices natin" Sabi ng boss namin.


"Wow!" Yun nalang ang nasabi ko


"For real!?" Sabay na sabi nila Maloi, akala ata nila ay nag bibiro ang Head namin


"Eh diba advance technology yan? May sariling buhay ganon, mas matalino pa sating lahat!" Reklamo ni Mikki


"You got it right!" Biglang sagot ng simulator


"Oh, nasagot pa nga!" Natatawang Sabi naman ni Jho.


Hindi nya ata narealize na naintindihan sya ng Simulator namin kahit tagalog ang pagkakasabi nya.


"Seriously speaking, sila ang nag program sa mga simulator natin" Paliwanag naman ng boss namin samin


"Pero hindi naman sya ganyan last time ah" Sagot ni Luke


"Kaka upgrade lang kasi, inayos namin bago tayo umalis" sagot ni Ate Cha


"Okay hands down, kahit magaling kami sa technology hindi namin naisip yan ah" Natatawang sabi ni Jho


Nakikinig lang kami sa kanila habang nag uusap usap sila dahil hindi naman namin porte ang pag gamit ng technology. Sila ang mas may alam when it comes to that.


"Okay enough of that, let's proceed sa mga reminders." Seryosong sabi ng Boss namin, lahat tuloy kami ay naging seryoso din sa pakikinig.


Niremind samin kung gaano kahalaga ang Mission na ito, sinabi din samin ang mga bawal at pwede lang naming gawin kapag nasa difficult situation kami, may ilang reminders na hindi ko na maintindihan dahil sa sobrang dami. Pina-alala din samin ang mga rules ng Agency.


"Remember the first rule, Bawal Mainlove sa Subject at Bawal madistract sa Mission, hindi na bago sa inyo to" Paalala ng Boss namin

Love, Mission and Lies (MikhAiah Fanfiction)Where stories live. Discover now