Chapter 29

2.5K 88 5
                                    

AGENT LIM


"FINALLY! HELLO AURORAAAAAA!" Sigaw ni Maloi ng makapasok kami sa lobby ng hotel na tutuluyan namin.


Napatingin tuloy sa kanya yung mga receptionist na sumalubong samin, kahit kailan ka talaga Ricalde!


"Oy namiss ko yung place na to, ang dami din nating memories dito" sabi naman ni Mikki


"It's been what? 4? or 5 years nung huli tayong naka balik dito, ang daming nagbago ah" wika ni Jho habang tumitingin sa paligid.


Nang tumingin ako sa paligid ng hotel ay tama nga sila, sobrang laki ng pinagbago ng lugar na to. Some of the staffs ay bago rin, I remember sinabi sakin nila Papa na irerenovate yung resort kaya they decided to close it for a year and I must say na it's worth it.


"Ang ganda naman pala dito eh" sabi ni Gwen ng makita nya yung paligid ng resort namin


"Nakaka relax yung view no? And ang peaceful ah kahit maraming tao" wika naman ni Stacey


"No wonder bakit excited na excited kayo nila Colet na makabalik dito" dagdag na sabi naman ni Sheena


"This place remind us ng Childhood days namin" nakangiting sagot ko kay Sheena


"Dito lang naman kami hinabol ng mga tanod nung lumabas kami tapos curfew na pala" tumatawang sabi ni Maloi


Natawa ako nung maalala ko yung time na yon, malay ko ba kasing may curfew pala dito non. Buti nalang talaga off limits yung mga tanod dito sa loob ng resort kung hindi baka sa brgy kami natulog non.


"Dito rin tayo nahuli ng parents natin nung hindi tayo umattend ng Foundation day sa School pero ang alam nila nasa umattend tayo" tumatawang sabi ni Colet


"At dito ka lang din naman tumakbo non nung nabroken ka" natatawang sabi ni Mikki at inakbayan pa ko


"Napaka ingay mo" sagot ko sa kanya at tinignan sya ng masama, ipaalala daw ba naman yon.


Sila Colet ay natawa lang nang marinig yung sinagot ko kay Mikki, loko loko din tong isang to eh. Buti nalang at hindi narinig ng grupo nila Aiah yung sinabi ni Mikki dahil may pinag uusapan sila at nag pipicture na rin, nang magawi yung tingin ko kay Aiah ay nag e-enjoy na din syang makisali sa pag pipicture ng mga kaibigan nya.


Nakita ko na ulit syang naka ngiti ngayon, kanina kasi ay ang tipid nyang ngumiti at hindi nya pa rin ako kinakausap, gusto ko naman syang iapproach pero hindi ko alam kung paano sobrang naguguilty pa rin kasi ako.


"Mikhs, sino kakausapin natin para sa room reservation natin?" Biglang tanong ni Jho kaya napabalik yung tingin ko sa kanila.


"Kami nalang ni Colet bahala don, dito muna kayo sa lobby or pwede naman mag take na rin kayo ng pictures if you want and may floating cottage din pwede din kayo don" suggest ko naman sa kanila.

Love, Mission and Lies (MikhAiah Fanfiction)Where stories live. Discover now