Chapter 25

2.8K 79 10
                                    

Authors Note: Good evening everyone! Kumusta kayo? Sorry for the long wait sobrang busy ni Author sa work, since day off ko ngayon pinilit ko na rin makapag update. Thank you for patiently waiting, I don't know kung kailan ulit yung next update but don't worry once I have free time ulit I will update. So to make up to you here are Two Chapters! Enjoy readers :)
-

AGENT LIM


It's exam week! Which means hell week!


Third day of exam and ang aga ng schedule ng exam ko ngayon bot only me but also sila Mikki, kaya itong mga kasama ko ay mga inaantok pa. Medyo late na kasi kami nakauwi galing sa Unit ni Aiah, hindi kasi kami nakapag umpisa din agad dahil may dumating na bisita si Aiah kagabi.


Almost whole week na ata kaming nag group study as in every night yon just to prepare for our exams. Mas mahigpit kasi yung exam namin ngayon since patapos na yung sem, yung mga prof ay nag higpit din ng sobra.


I have three different set of exam today, and my schedule is not the same schedule with Aiah even sa mga kaibigan ko kaya solo gaming ako ngayon. I'm already here in our room and guess what? Ibang iba ang atmosphere ng buong campus ngayon even dito sa room namin.


Halos lahat ng nakakasalubong kong students ay may mga hawak na notes or yung iba naman ay nag meme'morize, hell week nga talaga. I'm peacefully listening to music ng lumapit sakin yung dalawang ka-blockmates ko, kaya napatingin ako sa kanila at inalis ko muna yung air pods ko.


"Yow! Mikha, sorry for bothering you. Magpapatulong sana kami" sabi nya pa sakin, hawak hawak pa nila yung mga notes nila.


"Sure, about what ba?" Naka ngiting sagot ko sa kanila. Nagliwanag naman yung mukha nung dalawa kong kaklase nang marinig nilang pumayag ako, agad naman nilang pinakita sakin yung lesson na hindi nila magets.


"Ah, madali lang yan" wika ko at sinimulan nang magpaliwanag sa kanila, nang magets nilang dalawa yon ay agad din silang bumalik sa pwesto nila at nag try na magsagot ng sarili.


In just a minute ay dumating na din ang prof na magbibigay ng exam samin kaya nag kanya kanya nang tago ng notes yung mga ka-blockmates ko. Here in Ateneo rules are rules kaya yung mga phone namin ay nilalagay namin sa isang box in front of the professor pero during exam lang naman yon, ayos din yung ganong rules kasi everyone are obligated to review and read their notes.


After nyang idiscuss samin yung rules at yung time limit ng exam ay binigay na nya samin yung mga test papers, different set of exam ang ginagawa nila ngayon to avoid cheating daw.


When I receive my set of exam ay binasa ko muna yung instructions and nag proceed na ako para sagutin yon, madali lang naman sya since nakapag review naman din ako. I really avoiding na mag review during a minute or hour of exam kasi for me hindi naman sya effected, I just tend to forget it lang.


Yung maingay naming classroom kanina ay biglang tumahimik, when I look at my classmates I saw some of them na napapakamot nalang sa ulo probably nagulat sila sa set of exams na nakuha nila, yung iba naman ay nag proceed na sa pagsasagot at ganon nalang din yung ginawa ko. I have three different set of exams compose of major and minor subjects.

Love, Mission and Lies (MikhAiah Fanfiction)Where stories live. Discover now