Chapter 19

2.9K 80 0
                                    

AIAH


It's OrSem day, and no classes din ngayon sa buong Ateneo, everyone is required to wear anything blue or any Ateneo shirt, mantra na to ng school namin ang ibig sabihin daw kasi non ay we're bound of brothers and sisters.


Yung mga athletes may specific shirt sila depends on the sports na lalabanan nila and even other orgs ay may kanya kanya ding shirt. Yung dance team ay white with touch of blue ang shirt and kami naman sa band ay blue with touch of black, ang cute diba? Ang galing din kasi mag design ng shirt ng Get Blued.


The event will begin at around 3 pm pa naman, so the whole morning ay pwede kahit anong gawin namin, may mga booths at mga food stall din kasi silang inilagay sa may Xavier Hall.


Our call time is 9 am since may sound check pa and by schedule din kasi yon. Dance team ang unang mag pa'practice and then susunod naman kami.


Pagdating ko sa loob ng gym ay may naka set up nang stage don and may malaking back draft na rin. I see my bandmates together with Sheena and Mikki then yung mga kaibigan namin ay andon din kasi manood daw sila at napag usapan din kasi namin ay mag lilibot kami ngayong umaga and isang araw lang kasi yung OrSem kaya gusto nilang sulitin yung mga booth and Stalls.


"Ayan na pala si Aiah" sabi ni Gwen


Napatingin tuloy yung mga kaband ko sakin, ako nalang pala yung kulang. Nang tignan ko ang oras ay maaga pa naman. Akala ko tuloy ay late na ako.


"Ang aga nyo ah. Wala pang 9 am"


"Mas okay na yon para mabilis kayong matapos sa sound check and rehearsal, excited na kami mag libot" sabi ni Gwen


"Are you guys ready na ba for your performance later?" Tanong ni Stacey samin


"Kinakabahan ako" sagot ni Mikki


"Ako din. Ganito pala yung OrSem" sabi ni Jho


"Why? Wala bang ganito sa State?" Nagtatakang tanong ni Sheena


Ang alam ko meron yon sa States ah, iba lang yung tawag so bakit parang ngayon lang sila makaka attend ng ganito? I see kung paano magtinginan yung lima, nag uusap usap pa nga ata gamit yung mata nila


"Meron. Pero hindi naman kasi kami umattend before" sabi ni Maloi samin


"Tamad ka talaga no" sabat ni Stacey


"Wow naman, akala mo hindi sya tinatamad umattend kanina. Kaming lima yung hindi umattend" sagot naman ni Maloi


And as we expected ang ingay na naman nung dalawang to, parang aso't pusa lang, kami na rin yung nahihiya kasi ang lakas ng boses nila at ilang beses na kaming sinasaway nung coach nila Shee.


"Hey, stop that para kayong bata."


"Si Stacey kasi"

Love, Mission and Lies (MikhAiah Fanfiction)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz