Chapter 12

2.9K 80 4
                                    

SHEENA


After Aiah's checkup we went straight to Gonzaga Hall, inaalalayan pa rin nya yung paglalakad nya since masakit at namamaga pa rin yung ankle nya. I'm here with our new friends Maloi and Jho, ang kulit din nila at ang daldal hindi sila mahirap maka sundo.


Napansin ko na medyo tahimik si Colet nang maglakad na kami papuntang Gonzaga, natawa naman ako ng patago.


Come on! hindi ka naman ganyan


Napansin nya ata na medyo natawa ako kaya napatingin sya sakin with an are you okay look. I just smile at her, and she do the same.


Malapit na kami sa Cafeteria ng salubungin kami nila Gwen and Stacey and may kasama silang lalaki, baka kaklase nila. Nakilala naman sya ni Aiah dahil kaklase din pala nya yon. Mikki daw yung name and guess what? Kaibigan din sya nila Colet. Medyo maraming tao sa Gonzaga Hall ngayon, kaya medyo natagalan kami bago makakuha ng lamase.


Medyo marami din kasi kami kaya hindi pwede yung pang apatan na seats lang. Buti nalang at nakita namin yung ibang member ng dance team at doon nalang kami pina upo sa pwesto nila, sila Stacey ay kinakausap yung mga bago naming nakilala.


"Transferees kayong apat and then mag kakaibigan pa? Ang galing!" Sabi nito


"Lima talaga kami, wala pa yung isa" Sagot ni Maloi


"Saan kayo nag aaral before?" Tanong ni Gwen, medyo curious din ako kung saan bang school sila sa New York galing


"Ah, ano, don sa ano nga ulit name non" Sagot ni Mikki at napakamot sa ulo, medyo weird ah hindi matandaan yung school.


"Yale University" Singit ni Jho


"Tama don nga. Pero New York kami naka base" Paliwanag ni Mikki


Wow ang yayaman, International Students pala sila.


"Wait, kung International Students kayo bakit nag transfer pa kayo dito?" Tanong ko naman, kasi nakakapagtaka lang din.


Kung ako siguro yon ay mas gugustuhin ko nang tapusin yung studies ko don, mas malaki kasi ang advantage kapag sa ibang bansa ka nag graduate


"Yan din yung tanong ko kanina sa kanila" Singit ni Aiah


"Nagsawa na kami sa New York, tyaka matagal na din yung huling beses kami naka uwi. Since high school ay don na kami naka base." Sagot ni Colet, napatingin naman kami sa kanya


Wala pa ding pinagbago ah, seryoso pa din parang dati lang.


"Ang yayaman nyo naman pala eh, masaya siguro kayo maging kaibigan" Sabi ni Stacey at tumawa


Love, Mission and Lies (MikhAiah Fanfiction)Where stories live. Discover now