Chapter 21

2.6K 92 3
                                    

AIAH


Isang linggo na since bumalik sila Mikha sa New York, last update nila ay naka land na daw sila pero hindi na nasundan ulit yon even si Mikha ay hindi rin nag message baka busy na sila.


Medyo nakakapanibago din dahil medyo nawala yung ingay, kagaya ngayon magkakasama kaming apat dito sa Gonzaga. Ang tahimik nila, I mean si Gwen ay tahimik naman talaga but si Shee and Stacey ay nakaka panibago dahil hindi sila ganon ka iingay, yung ibang students nga na nakaka salubong namin tinatanong din kami kung nasan sila Colet. After kasi ng performance namin nung Orsem ay dumiretso alis na din sila.


"Infairness nakaka miss yung lima" panimula ni Gwen.


"I agree. One-week na din, pero until now hindi parin nila tayo sinasabihan kung kailan yung balik nila"


"Si Mikki nga ang dami na ring hahabulin sa training, pero kaya naman nya yon" sabi ni Sheena


"Si Colet ba nag message na sayo Shee?" tanong ni Stacey


"Hindi din. I tried to contact her and si Mikki pero out of reached na kahit sa viber and other socmed" sagot nya


Bakit kaya hindi nagpapa ramdam yung mga yon, ganon ba kahirap ayusin yung Citizenship sa New York? We don't even know kung kailan sila babalik, paano namin sila masusundo sa Airport if ever diba.


I also tried to contact Mikha, pero hindi rin sya nag reresponse kahit nga thru imessage delivered lang lahat ng messages ko. Somehow nakakamiss din yung pressence nya kahit madalas ay tahimik at seryoso lang sya.


Kahit almost a month na kaming magkaka kilala, I'm still wondering parin sobrang mysterious kasi ng dating ni Mikha para sakin not only her but also her friends too specially Colet, I felt like nakita at nakilala ko na sya before.


Minsan nga nagugulat nalang ako na sumusulpot bigla si Mikha sa harapan ko or kung hindi man ay makaka salubong ko yung ibang kaibigan nya sa mga place na pinupuntahan ko.


"Paano yung training nyo nyan, Aiah?" Tanong ni Shee


"Syempre wala muna, hindi naman ako pwedeng mag training ng mag isa"


"Tagal naman kasi bumalik nung limang yon" reklamo ni Stacey


"Sus, kapag naman andyan na puro surahan lang naman ang  ginagawa nyo"


"Hindi naman ako yung nag uumpisa, nakikisakay lang ako" pagdadahilan ni Stacey


"Kailan kaya yung balik nung mga yon?" wika ni Sheena


"Malay namin kami ba sila?" Biro ni Stacey kay binato sya ni Shee ng tissue, kahit kailan talaga to


"For sure naman babalik yung mga yon, baka matagal lang talaga ayusin yung citizenship nila"

Love, Mission and Lies (MikhAiah Fanfiction)Where stories live. Discover now