Chapter 54

2.7K 90 9
                                    

Note: See you next update!

-


AIAH


"Holding hands oh!" Biro ni Maloi ng makapasok kami ni Mikha sa Music room


Napatingin tuloy samin yung ibang mga kaibigan namin, they are all gathered here in Music room. Wala pa naman kaming training ngayon and even sila Sheena since kakabalik lang din namin from short break, gusto lang daw nilang magpalipas ng oras dito sa music room. Except kay Mikha na naging busy sa club nila kanina. She's part of Photography club kasi and today ay marami na agad silang ginawa for School's journal.


Even sila Luke ay nandito rin pala, sabi nila ay wala pa daw class sa UST kaya gumala muna sila dito sa Ateneo, good thing na free time din naming lahat.


"Bakit kayo magka holding hands?" Tanong pa ni Stacey.


Nagkatinginan naman kami ni Mikha and nginitian lang sila, wala pa nga pala silang alam na official na kaming dalawa.


We decided na sabay naming sasabihin sa kanila yon pag balik dito sa Manila. For now is mga families palang namin yung nakaka alam and nung sinabi nga namin sa kanila ay hindi na daw sila nagulat. Even hindi pa daw kasi kami official ni Mikha ay alam na nila na dito din ang punta namin, in short they assumed already.


"Wag nyo kaming idaan sa pangiti ngiti nyong dalawa dyan. We need an answer." Jho said


"Ay alam nyo, parang wala tayong makukuhang matinong sagot dyan sa dalawa. Good thing nalang may nasagap akong chismis, gusto nyong malaman kung ano?" Tanong ni Maloi at tumingin samin ni Mikha.


"Interesting ba yung chika na yan?" Tanong ni Sheena sa kanya.


Nakisali pa talaga sya ah.


"Oo naman, credible yung source ko. Galing sa relatives" sagot nya at tumawa


Nagkatinginan naman kami ni Mikha, kahit sya ay naka kunot na yung noo ngayon.


"Okay. Spill!" Excited na sabi ni Stacey.


Umupo naman si Maloi sa may floor and sumunod yung mga kaibigan namin na interested marinig yung chika na sinasabi nya. Kami naman ni Mikha ay naupo dito sa Sofa.


"Sinetch itey na ayaw pa ipa tell sa buong tropa na official na sila ng kanya lover, take note ang haba ng hair ni ate mong girl ah, sinundan para mag sorry. Sabi ng aking source ay itetell din daw nila tamang time." After nyang sabihin yon ay tumingin pa sya samin ni Mikha and ngumiti ng nakaka loko


Napatingin naman ako kay Mikha dahil sa sinabi ni Maloi, We're not doomed and alam naming kami dalawa ni Mikha yung tinutukoy ni Maloi but the question is, kanino nya yon nalaman?

Love, Mission and Lies (MikhAiah Fanfiction)Where stories live. Discover now