Chapter 32: White Or Black

4.2K 162 12
                                    


Chapter 32

WHITE OR BLACK

Una kong tiningnan ang balcony nang imulat ko ang aking mga mata. Gusto kong makasigurong may imahe akong makikita roon kagaya nang nagdaang gabi. Pero kagaya ng dapat asahan, wala akong makita kundi ang nakakasilaw na liwanag mula sa sikat ng araw.

Tinatamad na bumangon ako mula sa kama. Wala sa plano kong pumasok ngayon, pero ayoko namang magkulong na lang sa kwartong ito.

Creed told me something about the incoming fight. It must be the fight that Klein talked about. That was strange. Well, I think the next match would be different compared to the previous match in Underground before. It was certain that Creed would be the one to fight for Rapsodhee High and of course, Daxz would be his opponent.

Speaking of Daxz, where the hell is he? Unang beses itong hindi niya ako pinuntahan sa kwarto para gisingin.

Natagpuan ko ang sarili kong patungo sa school building. I'm not wearing the school uniform. Hindi ko intensyong pumasok sa klase. Ang nasa isip ko lamang ay makausap si Klein Demith.

Pero wala siya sa opisina nang tumungo ako roon. Sinubukan kong maghintay at tumagal lang ako nang ilang minuto sa loob bago ako nagdesisyong lumabas. Hindi ko pinansin ang mga estudyanteng nakatingin sa akin. Dapat na akong masanay na ganito ang atensyong nakukuha ko saan man ako tumungo.

"Hi, Temple," pagbati sa akin ng isang estudyanteng pamilyar, pero hindi ko alam ang pangalan.

Laging nakasunod ang lalaking ito kay Daxz. Perhaps he was his alalay. He looked like one of those students who buy snacks for other students, do the assignments for the entire class, clean junk... in short, he looked like the bully's favorite pet.

Jesus Christ! Hindi ba nagrereklamo ang ilong niya sa bigat ng salamin na suot niya. Not to mention na hirap na hirap siyang tumakbo dahil sa dala niyang mga pagkain at soda.

"Sorry," pasigaw niyang sabi nang muntik na niya akong mabangga.

"Sandali." Hinawakan ko ang braso niya para patigilin siya sa pagtakbo. Gulat siyang napalingon sa akin, pero hindi ko pinansin ang pag-awang ng labi niya. I just let his arm go before I asked, "Where is Hampton?"

"I-if you are looking for him, you better come with me. Pupunta ako sa kanya to give these," nakangiting sagot n'ya habang ipinakikita sa akin ang isang pares ng boxing gloves na hindi ko napansing dala n'ya.

Boxing gloves? Nagti-training ba ang lalaking 'yon ngayon? Bigla akong nakaramdam ng curiosity. Ano kayang klaseng training ang ginagawa sa school na ito? Rapsodhee High didn't train the fighters as far as I recalled.

"Take me to him," I commanded.

"Follow me," may sigla sa boses niyang sagot.

Tahimik akong sumunod sa kanya. Hindi kagaya sa Rapsodhee High, mangilan-ngilan lamang ang estudyanteng nakatambay sa labas ng kanilang mga classroom. Masyadong mahigpit ang patakaran ni Klein Demith sa school na ito. I guessed he was trying to make everything normal though it was impossible. No matter how much he tries to hide it, Kingsville Academy was still in the game.

"I know you're not interested, but I want to introduce myself," the nerd said as we took a turn to the ground floor of the building. "My name is Jessie... Jessie Andres, and I am glad I met you in person."

"Let me guess," I replied. "You know me because I won against Tom Craden, am I right?"

Jessie looked at me over his narrow shoulder. He smiled. "That will always be the best fight ever. Ngayon lang kasi ako nakakita ng babaeng kagaya mo na kayang makipagsabayan sa loob ng ring."

Kamu telah mencapai bab terakhir yang dipublikasikan.

⏰ Terakhir diperbarui: Nov 08, 2022 ⏰

Tambahkan cerita ini ke Perpustakaan untuk mendapatkan notifikasi saat ada bab baru!

Gangster High 1 (The Art of Game) ✅Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang