chapter 17: Setting Up the Pieces

10.1K 227 26
                                    




Chapter 17

SETTING UP THE PIECES



Rapsodhee High's Administration managed to hide the death of the intruder. I was certain that the Underground Council took part in it. Of course, they would. Kaya walang mga pulis na dumating para imbestigahan ang nangyari. Isang linggo na ang nakalilipas, pero wala pa rin.

Ilang araw rin lang na naging paksa ng mg estudyante ang naganap. Pagkatapos ay parang walang nangyari. Maybe because they used to see dead bodies or maybe they were scared to talk about it at all.

I tried to stop thinking, but I couldn't especially that Creed said na konektado si Mikki sa Player ng Rapsodhee High. Yes, it was true na si Mikki ang Blood Queen, ang queen na sumunod sa Legendary Queen, pero alam kong hindi iyon ang ibig sabihin ni Creed nang sabihin niyang connected si Mikki sa Player. May mas malalim na ibig sabihin iyon.

I decided to talk to Creed to make everything clear. I got up early to find him, pero nang dumating ako sa main building ng Rapsodhee High ay nagkakagulong mga estudyante ang sumalubong sa akin.

Kumunot ang noo ko. Ano na naman ang mayroon at nagkakagulo sila? May natagpuan na naman bang bangkay o may nakapasok na namang intruder?

Hinawi ko ang ilang estudyanteng nakaharang sa daraanan ko. For God's sake! Napakalaki ng pasilyo para mapuno ng maingay na mga estudyante. Ano ba kasing nangyayari?

Out of curiosity ay sumingit ako sa kanila para tingnan kung ano ang pinagkakaguluhan nila. We were on the fourth floor of the school building at lahat sila ay nakadungaw sa ibaba where we were facing a—oh. That building.

Simula nang tumambay ako sa Green House ay napansin ko na ang kulay pulang building sa gilid nito. Hindi kalakihan at inisip kong parte lamang iyon ng Green House. I just didn't think na napakaganda palang tingnan noon mula sa itaas.

The building was made of bricks and it looked like an average house from medieval times. The curved roof was like a giant rock na nahulma na ng panahon. Side by side, the Green House and the Rock House—that was the best name for it—gave a beautiful and amazing view from above.

Miss Meira and Mr. Hontraver were there, in front of the red Rock House. I watched as the School Administrator unlocked the door, which was also made of bricks. The students gasped as if they saw what was inside it.

I frowned.

Why on Earth these weird buildings were built inside the school's compound? First, that secret room inside the Green House. Ngayon naman ay itong Rock House. Ano'ng mayroon sa mga ito?

"This is a red alert." Suddenly, I heard Heina's voice beside me. Nakakunot pa rin ang noo ko nang lingunin ko siya at hindi na ako nakapagtanong nang hawakan niya ang braso ko at hilahin ako palayo sa mga estudyante.

Humantong kami sa may hagdanan. Nakikita ko pa rin ang Rock House, pero nawala na sa paningin ko sina Miss Meira at Mr. Hontraver.

I clicked my tongue and Heina looked at me.

"You have no idea, don't you?" she asked.

"What is it?" Of course, I had no fuckin' idea what was going on.

She took a deep breath and let it out. "We're going to challenge Kingsville Academy."

"The Rank 1 school?"

Gangster High 1 (The Art of Game) ✅Where stories live. Discover now