chapter 3: Release The Demon

13.8K 255 6
                                    



Chapter 3

RELEASE THE DEMON



A week since I came, I was still getting that kind of stare from the students, which was really irritating. I always ignore them, but it did not stop me from thinking kung ano ba talaga ang ibig sabihin ng mga tingin na 'yon. Hindi rin nakakatuwa na they were provoking me to cause trouble. They tried to bully me, in fact, and I felt that they were waiting kung lalaban ba ako. It happened three times at hindi ko na lang sila pinansin. I did not raise my fist; I just ignored them and walked away. Which was boring.

"Hey Temple, a penny for your thought." I heard Fashia's voice. She was waving her hand in front of my face. Iritado kong hinawi ang kamay n'ya saka wala sa loob na nilaro ang carbonara na nasa harapan ko. Napasimangot s'yang lumayo sa akin. "Sungit naman nito. What's the matter?"

"Just stop talking."

Fashia and Heina, without my consent, regarded themselves as my friends. Lagi silang nakasunod sa akin and telling other students na kaibigan ko sila. I told them once to stay away from me, pero makulit sila kaya hinayaan ko na lang. Besides, hindi naman ako ang nagmumukhang alalay.

"Wala ka pa rin bang gagawin?" tanong ni Heina na ikinaangat ng mukha ko. Kunot-noo ko siyang nilingon. "Alam mong may gusto silang gawin mo, 'di ba? Bakit nananahimik ka pa rin hanggang ngayon?"

"Heina, stop it. Pwede namang hindi maging kabilang si Temple sa mga 'yon, 'di ba? Like the two of us. Okay na na kagaya lang natin s'ya." Awat ni Fashia.

"Yeah, right. Pero alam naman natin pareho na magiging kagaya lang natin s'ya kung wala s'yang kakayahan, hindi ba? Isa pa, being like us is bullshit!" asik naman ni Heina.

"Heina—"

"Wake up, Fashia. We are just pawns here. They want someone who can fight. At 'yon ang hinihintay nila kay Temple," nakatungo pero mariing sabi ni Heina.

Hindi ko ipinahalata na interesado ako sa mga pinag-usapan nila pero ang totoo, nabitin ako sa mga sinabi nila. Gusto kong magtanong, pero masyadong mataas ang pride ko para gawin 'yon.

Heina was right though. The students were provoking me because they wanted to see what I could do, what I was capable of. Hell yeah, gusto ko silang patulan kagaya ng lagi kong ginagawa noon, pero nagpipigil ako.

It was not the same before na wala akong pakialam. Noon, maliit na bagay lang ay gumagawa na kaagad ako ng gulo. But this one was different. Hindi ko pa alam kung ano'ng klase ng eskwelahan ito. Hindi ko alam kung ano'ng klase ng mga tao mayroon dito. Kailangan kong mag-ingat. Ayokong maging kagaya ng intruder na 'yon na hanggang ngayon ay nakakulong sa isa sa mga detention rooms.

Hindi ko na alam kung ano nang nangyari sa kanya. Wala na roon ang atensyon ko. Though, nagtataka pa rin ako kung bakit hanggang ngayon ay narito pa s'ya. Inilabas nga s'ya sa clinic, pero inilipat naman sa detention room.

"Hi, ladies. Can we join you here?" Isang pamilyar na boses ang tumaginting sa likuran ko at kahit hindi ako lumingon, kilala ko kung sino'ng nagmamay-ari no'n. Paano ba namang hindi? Sa loob ng isang linggong pagpasok ko dito, araw-araw kong naririnig ang nakakairita n'yang pang-aasar.

"Sure." I heard Fashia agree. Mabilis rin s'yang umusod para magkaroon ng space sa upuan.

Hindi ako nagkomento. Pinakiramdaman ko lang ang pag-upo ng tatlong Student Council para maki-upo sa table namin. At dahil mag-isa lang ako sa kabilang side, sa tabi ko naupo sina Brusky at Kamko. Umikot naman sa harapan ang nakakairitang si Draven at doon naupo, katabi ni Fashia. Sa sulok ng mga mata ko ay napansin ko ang paglingon ng mga estudyante sa amin. Mukhang nakuha namin ang atensyon nila dahil tatlong ugok na ito.

Gangster High 1 (The Art of Game) ✅Where stories live. Discover now