chapter 4: The Unforgettable Night

14K 258 13
                                    



Chapter 4

THE UNFORGETTABLE NIGHT



Dalawang araw na hindi ako pumasok simula nang mangyari ang gulong 'yon sa cafeteria. Dalawang araw akong nagmukmok sa kuwarto. Actually, kaya ko namang pumasok. Maliit lang ang sugat sa noo ko ngayon kumpara sa mga sugat na nakukuha ko kapag napapatrobol ako noon. Ayoko lang talagang pumasok dahil ayokong marinig ang alingasngas mula sa ibang estudyante. Sabi kasi ni Heina ay paksa pa rin ako pagkatapos ng dalawang araw.

But I couldn't stay in this room forever. The boredom was killing me. Yes, I didn't like to associate with people, but I didn't like to be a room prisoner either. I guessed I have to face the fame at all.

Huminga ako nang malalim bago ako nagdesisyong lumabas ng kuwarto. Of course, wearing my uniform. Walang emosyon na naglakad ako papunta sa elevator. May ilang estudyanteng nasa loob nang pumasok ako roon. Mayroon ding sumakay mula sa iba pang palapag. Nasa likuran ko silang lahat but I could sense their stares.

Calm down, Temple. They are just staring.

And that was the point. Why were they staring? It was rude.

Naiiritang lumabas ako ng elevator pagkarating sa first floor saka mabilis na humakbang patungo sa main school building. Dapat sana ay sa clinic ako unang pumunta kagaya ng bilin ni Dr. Levesque—para raw malinisan ang sugat ko, pero hindi ko na kailangan 'yon. Kaya kong palitan nang mag-isa ang benda sa ulo ko.

Mabilis ang hakbang ko patungong classroom. I ignored everyone and their annoying stare.

"She's back." I heard that unexpected reaction nang pumasok ako sa classroom. Parang excited ang boses na 'yon na hindi ko alam kung kanino nagmula.

Tahimik akong naglakad papasok at dumiretso sa upuan ko. Nang makaupo ay pinagmasdan ko ang mga tao sa loob. Iilan pa lang sila, pero lahat ay nakamasid sa akin.

Napabuntong-hiningang hinanap ng mga mata ko sina Fashia at Heina. Wala sila. Fashia was avoiding me simula nang mangyari ang engkwentro sa canteen. Hindi n'ya ako pinapansin sa dorm, which was unusual because she was usually the loudest. She was not even looking at me at me. I didn't know why, pero alam kong hindi s'ya galit sa akin. It seemed she was afraid. May cast pa s'ya sa braso n'ya until now.

Hindi ko alam kung ano'ng nangyari sa kanya pagkatapos ko s'yang itulak. Oh well, I didn't even know na s'ya pala ang naitulak ko. It was not my fault. She should have not interfered.

Mayamaya ay napapikit ako nang makaramdam ng bahagyang hilo. Nasapo ko ang ulo ko na hanggang ngayon ay may benda pa rin. Two days was not enough to heal the wound. I got six stitches and that was bullshit.

I hoped that guy who did this was already dead.

Kunot-noong sumubsob ako sa lamesa ko para pawiin ang pagkahilo. Bahala na kung makatulog ako. Hindi ako tumunghay kahit narinig ko ang halos sabay-sabay na pagsinghap ng mga classmates ko. I didn't care kung ano'ng milagro ang nakita nila at kailangan pa nilang sabay-sabay na magpakita ng ganoong klaseng reaksyon.

"Ohh. Look who's back." I heard Draven Adkins' mocking voice beside me. "Hey, Temple."

I clicked my tongue when he poked my shoulder. "Leave me alone," I growled without looking at him.

"So, are you really that badass new kid?" someone asked.

I froze.

That new unfamiliar voice—no, that very familiar voice. It couldn't be. It was him! Hindi ako maaaring magkamali. Kilala ko ang boses na 'yon. Hindi ko makakalimutan 'yon.

Gangster High 1 (The Art of Game) ✅Where stories live. Discover now