Chapter 30: New Set Of Pieces

6.4K 222 42
                                    



Chapter 30

NEW SET OF PIECES





Stolen photos.

All of these were stolen photos.

There were photos of a baby girl in her stroller. It's a side view shot na para bang dumaan lang ang may hawak ng camera habang kinukuhanan n'ya nang panakaw pero magandang anggulo ang bata. Mayroon ding mga picture ng lahat ng birthday ng batang babae. Lahat ay panakaw na kuha.

Parang ginawan ng photo diary ang bata dahil sa pagkakasunod-sunod ng mga pictures. These photos were in the pink pages of the album. Larawan ng masasayang sandali.

But that pages turned into black since the seventh birthday of the young girl. The photos started to change; they became darker and darker. The young girl's smile vanished and her eyes turned dead, no spark at all.

I bit my lower lip, confused and hurt.

The girl in these photos was no other than me. Lahat ng nangyari sa akin sa nakaraan ay narito. May ilang pictures na nasa gulo ako. May mga pictures na iba't ibang school uniform ang suot ko.

May nagmamatyag sa akin mula pa lamang noong bata ako.

Bigla ang pagsasarang ginawa ko sa album saka ko tiningnan si Klein Demith. Tahimik lang s'yang nakaupo sa harapan ko habang nakatitig sa akin.

"You are watching me from the very start." 'Yon ang mga salitang kaagad na nanulas sa bibig ko.

Bahagya s'yang ngumiti. "Is that bad?"

Hindi ako nagkomento. Napakalakas na bomba ang rebelasyong sinabi n'ya na s'ya ang aking totoong ama. Peste! Dapat ba akong maniwala? Ano na namang kalokohan ito?

"Napakatagal kong hinintay 'to," aniya pa. "Itinago ka sa akin ni Sahara. Sa simula pa lang, itinago ka na n'ya. I wanted a whole family. Ako, si Sahara, at ikaw. Pero ipinagkait n'ya sa akin 'yon." Gumuhit ang hinanakit sa kanyang mukha na kaagad ring nawala at napalitan ng simpleng ngiti. "Matagal na panahon ang hinintay ko. At ngayon, kasama na kita."

"Bakit n'ya ako itinago sa 'yo?" tanong ko. Nakatutok ang mga mata ko sa nakasarang photo album, pero parang nakikita ko pa rin ang mga pictures sa loob noon kaya minabuti kong tingnan na lang ang lalaking nagpapakilalang ama ko.

"Sa tingin ko, si Sahara lang ang makakasagot ng tanong mo. Sinubukan ko s'yang kausapin pero tinalo ako ng takot na baka hindi na kita makita kahit kailan. Si Sahara ang tipo ng babaeng kayang gawing posible ang imposible. 'Ni hindi ko magawang lumapit sa 'yo noon kahit gustuhin ko man. Sa huli, nakontento na lang ako sa mga panakaw na sulyap sa 'yo."

Hindi ako nagkomento. Nakatingin lang ako sa kanya.

Tama ang intruder na 'yon. Tama si Fashia. Konektado ang pagkatao ko sa nakaraan. Konektado ako sa larong ito mula noong ipinagbubuntis pa lang ako ni Sahara.

"Hindi mo ba itatanong kung paano nangyari ang lahat ng ito?" aniya nang mapansin ang pananahimik ko.

Mapait na ngiti ang sumilay sa mga labi ko. "Why should I? This... everything about my past is making me insane. What else do you want to tell me, huh? Kung gaano kasweet ang love story n'yo ni Sahara dati? Kung paano ka n'ya gulpihin kapag nagagalit s'ya o nagseselos s'ya? Kung paano kayo magpalitan ng suntok kapag may lover's quarrel kayo. Whatever it is, I don't care at all. Bakit hindi n'yo ipinagtapat ang katotohanang ito noon pa man? You two could have talked to me. I'm a grown-up lady. I will understand everything, pero mas pinili n'yo pang maging magulo muna ang lahat bago kayo magsalita."

Gangster High 1 (The Art of Game) ✅Where stories live. Discover now