chapter 2: The Only Rule

15.7K 271 13
                                    

Chapter 2

THE ONLY RULE

I should have not felt this, but I was too curious kung ano ang gagawin nila sa intruder na 'yon. Usually, the School Administration would not allow this. Bullying was something every school should not tolerate. However, the intruder's situation was not just a bullying case. He was... tortured, and Mr. Dominic Hontraver did not even bother to punish the assailants.

Still thinking about what might happen to him, I headed to the girl's dormitory. Well, yeah. At least ay may isang tama na umiiral sa eskwelahang ito. The girl's dormitory was separated from the boy's dorm. Nasa right side ng school building ang six floors dormitory ng mga babae at nasa left side naman ang sa mga lalaki.

I heaved a sigh habang pinagmamasdan ko ang dorm. All the facilities here were absolutely amazing. Ang lawak ng buong compound, ang magandang design ng school building, ang dorms, ang gym, ang oval o field, ang shower rooms, ang cafeteria. Lahat ay nasa ayos at masasabi kong ginastusan talaga ng malaking halaga.

Sino'ng mag-aakala na may hindi kaaya-ayang nangyayari sa loob nito? I heard the conversation, and I was curious to know what they were talking about. I wanted to know what Mr. Hontraver said. Next fight. What was he talking about? Fight of what?

Napabuntong-hininga ulit ako. Saka ko lang napansin na nakapasok na pala ako sa loob ng dorm. Sa sulok ng mga mata ko ay napasin ko ang dorm's canteen. Yes. May bukod na cafeteria ang mga dorm dito. Makikita 'yon sa left side ng first floor, katabi ng isang may kalakihang kwarto na parang bar. Hell yes! May bar sa loob nito kung saan ay malayang uminom at magsaya ang mga babaeng nakatira sa dorm na ito. Sa right side naman ng entrance ng dorm ay makikita ang elegante at paikot na hagdan paakyat sa ibang palapag. Hindi rin nawala ang elevator doon.

Kahit hindi ako lumingon, alam kong nakasunod ang tingin sa akin ng mga estudyanteng nasa canteen. Even those who were inside the bar were staring at me, I knew. I felt their stares. Hindi ko pa rin maintindihan kung bakit nila ako tinitingnan nang ganoon. But for now, I didn't care.

Walang pakialam na humakbang ako patungo sa elevator. Hindi ko na sila nilingon o sinulyapan man lang. Ayokong makita ang mga kakaibang titig nila. Naiirita ako. So glad na walang ibang laman ang elevator kaya malaya akong nakaakyat na hindi naiistorbo.

Nasa third floor ang kwarto ko. Maganda rin 'yon, but there was only one thing na hindi ko nagustuhan doon. I had to share the room. Obviously ay ayoko na may kasama. Well, ganito talaga yata sa mga dorm. Hindi ka pwedeng bigyan ng special room.

Sa kwarto ko ay may kasama akong tatlo pang estudyante base sa mga beds na nakita ko roon. Hindi ko sila nakita nang araw na dinala ko ang mga gamit ko rito. Besides, I was not interested as long as they put themselves in their places.

Tahimik kong hinawakan ang doorknob ng pinto saka binuksan sa normal na paraan. I saw those two familiar faces and one unfamiliar face. The three were looking at me as if I was a ghost. Nakamaang silang lahat.

Any problem I was here?

"Temple..." It took a long couple of seconds bago nakabawi sa pagkamaang si Fashia at nakangiting lumapit sa akin. "So, you are our new roommate. Isn't it great?"

"Yeah." Medyo nakahinga rin ako nang maluwag na sila ang kasama ko sa kwartong ito. It was quite good na rin. Besides, they were the first students here na lumapit at nakipagkaibigan sa akin kanina.

Wait. Who was this girl na kanina pa nakatitig sa akin? She was cute. Parang bata na nakatali pataas ang buhok sa magkabilang gilid ng ulo n'ya. Sa pagkakatitig n'ya sa akin, parang amaze na amaze s'ya. Wala sa loob na lumapit ako sa kanya at bahagyang yumuko para magkapantay ang mga mukha namin.

Gangster High 1 (The Art of Game) ✅Where stories live. Discover now