chapter 8: Chess Game

12.7K 242 18
                                    



Chapter 8


CHESS GAME



I just realized it didn't make any sense at all. Mr. Hontraver told me when I enrolled here na hindi pinahihintulutang lumabas ng school ang mga estudyante kung walang kasamang guidance. If that so, how the hell Creed could sneak out? I met him in the bar, right? And if I heard it right, one of the SC said he was gone for three weeks before the intruder came. Now he was missing again and it was three days now.

Paano nakakalabas si Creed nang ganoon lang? Mr. Hontraver knew he was sneaking out, but he was tolerating him. May favoritism ba sa Rapsodhee High?

Napabuntong-hininga ako.

Bakit ba masyado naman yata akong interesado kay Creed? Okay, I was attracted to him. The night in the bar and in the hotel room was unforgettable, but when I finally met him for the second time, knew his name, and figure out what kind of person he was, the attraction vanished.

Then why was I still interested to know more about him, I asked myself again.

I shook my head and drank the remaining beer from the bottle that I was holding. Pinagmasdan ko ang paligid. Hanggang ngayon, hindi pa rin talaga ako makapaniwalang may bar sa loob ng dorm na ito. Ano ba naman ang matinong school na maglalagay ng ganito sa loob ng mismong compound? Kadalasan tuloy ay marami ang hindi nakakapasok ng first class nila dahil sa hang over. Paano pa pumapasa ang mga estudyante rito?

Napailing na pinanood ko na lang ang mga babaeng nag-iinom, naninigarilyo, at sumasayaw sa paligid. They were too wild. Kung alam kaya ng mga magulang nila ang ginagawa nila rito, ano kayang mangyayari? I bet they would still stay here. Remember, the rule?

Oh fuck! I hate that rule. Paano kung may hindi magandang mangyari habang narito sa loob ng school na 'to? Ano'ng rason ang ibibigay ng School Administrator sa pamilya ng mga estudyante?

Nahagip ng paningin ko si Naami na may napakainosenteng mukha, pero may itinatagong kalokohan sa katawan. She was just fifteen, pero ang lakas na ng loob niyang makisalamuha sa mga gangster wanabes at maghanap ng gulo. It was obvious na pinipilit n'yang makisabay sa ginagawa ng mga kabataan ngayon. She was acting though, but I could tell that she was fragile deep inside.

Lumingon s'ya sa direksyon ko at blangko ang mukhang nakipagtitigan s'ya sa akin. Sa totoo lang, hindi ko alam kung galit ba sa akin ang batang ito o ano. Walang reaksyon ang kanyang mukha kapag tinitingnan ako. Hindi n'ya na rin ko kinakausap sa dorm.

Bigla ko tuloy naalala ang inosente niyang ngiti. I bet I wouldn't see that smile again.

"Miss Strawford." Boses ni Miss Meira ang umabala sa pagmamasid ko. Nalingunan ko siyang nakangiti sa akin at kagaya ko'y may hawak din siyang bote ng beer. Hers was newly open while mine was already empty.

"Mind if I join you here?" sabi n'ya habang umuupo sa harapan ko.

I watched as she sat down. I didn't say anything; I just studied her. Her eyes were really mysterious. It was haunted and to be honest, it was a resemblance of Creed's eyes. They were so much alike as if the two of them were related to each other.

"Can I ask you something?" tanong ni Miss Meira habang nakatitig sa mga mata ko. "Your eyes... you are not wearing a contact lens, right?"

Hindi ko inasahan ang tanong n'ya. Yeah, right. Madalas mapansin ang kulay ng mga mata ko. Kakaiba naman kasi talaga ang kulay nito. Iba sa ordinaryong kulay ng mga mata. Lagi na lang may nagtatanong sa akin kung natural ba talaga ito o sumailalim sa operasyon o kung nagsusuot nga ako ng contact lens.

Gangster High 1 (The Art of Game) ✅Where stories live. Discover now