chapter 7: Between Two Gangs

13.2K 267 17
                                    




Chapter 7


BETWEEN TWO GANGS



I'll give you a chance to escape...

He said that; Creed Craw said that. Later I realized na mukhang mali ang pagkakaintindi ko sa sinabi niya. Or maybe he meant what he said. He gave me a chance to escape from being the new queen of Rapsodhee High, pero sa pagdaan ng mga araw, naramdaman kong hindi ang pagiging queen ang kailangan kong takasan. It was him I should have been escaping from.

Seeing Creed every day was not easy. It was torture, in fact. From attraction, my feelings toward him switched to fear and irritation. Fear that he might expose what happened between us that night, which I was certain would cause a bad name for me. Irritation because I had to deal with his tantrums and unreasonable hatred to me every goddamned day.

Ako dapat ang galit sa kanya, 'di ba? Pero bakit s'ya itong halos patayin ako sa titig sa tuwing magkikita kami? Bakit parang tuwang-tuwa siya kapag napipikon ako sa mga pang-aasar ni Draven? Bakit parang gusto n'yang napapaaway ako lagi?

We never talked since that day. It was hard to avoid him dahil magkaklase kami at magkatabi pa sa upuan, at hindi ako komportable ro'n. Sa tuwing malapit s'ya ay nakakaramdam ako ng kilabot. Hindi ko maikalma ang sarili ko. It was a good thing na tatlong araw ko na siyang hindi nakikita. Parang nakahinga ako nang maluwag.

"Hey, you want some?" Fashia asked.

Hindi ko s'ya nilingon. Yeah. Bumalik s'ya sa dati simula nang araw na 'yon sa detention room. Mas naging masayahin pa siya. I didn't say sorry for what I did to her arm and she seemed to forget it already, which was good.

"Ayaw mo?" muli n'yang sabi na bahagya pa akong inalog. Napabuntong-hiningang kinuha ko ang iniaabot n'yang chocolate. I didn't like sweets, but I had to accept the chocolate to stop Fashia from bothering me.

Mayamaya ay napansin ko ang pagpasok ni Naami sa loob ng gym. Tumatakbo s'ya at parang may tinatakasan. Kunot-noong napatingin ako sa entrance para tingnan kung may papasok doon kasunod n'ya, at apat na lalaki ang nakita kong pumasok na tila may hinahanap. Lalong nangunot ang noo ko.

Si Naami ba ang hinahabol nila?

"Is that Naami?" narinig kong tanong ni Fashia. Napairap ako. Kailangan ko pa bang sumagot ng oo gayong kitang-kita naman na si Naami 'yon na nagtatago sa likod ng mga upuan ng bleacher? "Hey! What is she doing? Bakit parang nagtatago—oh my God!"

"What?" tanong ko nang malakas siyang suminghap.

"Naami is in trouble. 'Yong apat na 'yon kasi, member sila ng isa sa dalawang gangs dito, ang Dark Empire. Malamang na alam na nila ang ginawa ni Naami dati." Isinubo niya ang hawak na chocolate bar saka puno ang bibig na nagsalita. "Ganito kasi 'yon, Temple. Noong first day ng klase, nagkaroon ng initiation ang kalabang gang ng Dark Empire, ang Gods, para sa mga new member nila. Isa ang inutusan nila na isabotahe ang ilang member ng Dark Empire. Si Naami 'yon. Hindi ko alam kung ano'ng eksaktong ginawa n'ya, pero simula noon ay mainit na siya sa mga mata ng Dark Empire."

Medyo nagulat ako sa narinig ko. Napatingin ako sa direksyon ni Naami. Hindi ako makapaniwalang nakikihalubilo s'ya sa mga gangs. Napakainosente kasi ng mukha n'ya at akala mo ay hindi gagawa ng kahit na anong kalokohan. Ano'ng naisipan ng batang ito para sumali s'ya sa gang?

Gangster High 1 (The Art of Game) ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon