Chapter 29: The First Meeting

6.1K 227 42
                                    






Chapter 29

THE FIRST MEETING





I declined the incoming call. I didn't want to hear anything from anyone, especially from Creed. I already made a decision, and this would change everything. Hindi ako sigurado sa ginawa kong ito, pero ito lang ang naisip kong tama. I had to meet Klein Demith to clear things up. It was just a coincidence that I'm gonna save Naami.

I felt my phone vibrated again. Creed was calling again. Napabuntong-hiningang ikinansel ko ang tawag saka mabilis na pinatay ang aparato.

Let us talk again later, Creed. Or should I say... let's fight. Simula sa araw na ito, magiging magkalaban na tayo.

"Your boyfriend will surely burn Kingsville Academy to the ground." I heard Daxz Hampton laughed.

"He is not that stupid to do that," I answered while looking outside the car's window. I wanted to see where we were passing by.

"Men are stupid when they are in love. They can do unpredictable, stupid things in the name of love. Believe me, Craw will kill us all," he said again. "And as a man, I see Creed is really in love with you. A man understands a man. And I think, he will do anything para bawiin ka."

I remained silent. I had no strength to talk right now. All I wanted to do was to get out of this car already and meet Klein Demith.

"And oh, are you carrying his baby in your womb now?" Sa sinabi ni Daxz ay mabilis na lumipad ang tingin ko sa kanya. Did he know anything? Bakit ganyan ang ngisi n'ya? He laughed. "Now, I get your attention."

Mariin akong napapikit. "Hindi ba pwedeng magmaneho ka na lang?"

"Why? You don't like talking? But I just want to—"

"One more word and I'll make sure na hindi mo magugustuhan ang gagawin ko." I warned. Ginamit ko ang pinakamalamig na tono ng boses ko at ang nagbabantang tingin. Mukha namang tumalab ang pagbabanta ko dahil itinaas n'ya ang dalawa n'yang kamay sa mabilis na paraan saka muling ibinalik sa manibela ng kotse. Nakakabwisit na nasasaktan ako dahil sa ginawa kong pag-iwan kay Creed tapos ito and Daxz na ito ngayon at walang ibang bukang-bibig kundi si Creed, si Creed, si Creed.

Tahimik na inalis ko sa kanya ang paningin ko. Inaamin kong makakaramdam ako ng bahagyang kaba. Papasok ako sa teritoryo ng kalaban. What the fuck did you expect me to feel: jump and scream for excitement? What the hell!

Wala akong ideya kung ano ang mangyayari sa akin sa lugar na 'yon. Ngayong tinalikuran ko ang Rapsodhee High, dapat kong harapin ang mga maaaring mangyari. Kahit gaano pa kabigat 'yon. Ginusto ko ito, eh. Wala akong karapatang mag-inarte. Iniisip ko ngayon pa lang kung ano ang gagawin sa akin ni Klein Demith kapag nagkaharap na kami.

Malalim na buntong-hininga ang kumawala sa lalamunan ko.

"You don't have to be scared," mayamaya ay sabi na naman ni Daxz. Hindi ko nagawang singhalan siya dahil sa pagkakataong ito ay naramdaman ko ang kaseryosohan sa tinig n'ya. Hindi sinasadyang napalingon ako sa kanya. "Kingsville Academy is different from your school, you know, Rapsodhee High is hell. In Kingsville Academy, we respect every single person, and our Player is not hiding behind the cameras."

"I don't see any difference," I mumbled. "Rapsodhee High and Kingsville Academy are both in the game. And whether your Player is hiding behind the camera or not, it doesn't change a thing. Don't try to impress me."

"Just what I thought." Daxz laughed. "Mr. Demith is so excited to see you, by the way."

"Yeah, me too." Sumilay ang ngisi sa mga labi ko. May kaba, pero hindi na ako makapaghintay na makaharap ang lalaking 'yon. Malalaman ko na ang lahat ng gusto kong malaman at umaasa ako na sana nga ay masagot n'ya lahat ng tanong sa utak ko.

Gangster High 1 (The Art of Game) ✅Where stories live. Discover now