Chapter 10

46 3 0
                                    

Now is Saturday, nothing changes. Nag general cleaning ako, mula sa kwarto ko hanggang sa kwarto ni Nanay Vel at hanggang baba. Tanghali nako natapos at napag desisyonan ko na mag ayos dahil susunod ako kay Nanay Vel sa church.

Nag aayos sila for decoration bukas dahil Anniversary sa Church bukas. Kung sa iba ay before Christmas or every  last Sunday of December kami naman ay every last Sunday of June.

Sa buwan kasing to ay itinayo ang simbahan, sa dami ng pinag daanan bago maipatayo ay naisipan nilang gawing anniversary ang buwan kung kelan natapos ang pag papagawa nito.

I just wear a simple black jogging pants with purple plain Tshirt. Messy bund for my hair and i choose to use my black shoulder bag.

Bago ako umalis ay kumain muna ako ng niluto ni Nanay Vel kanina, Tumawag rin sila Fara sa akin at nag yayaya na gumawa pero ang sabi ko ay may lakad ako kaya di na sila na ngulit pa.

Habang kumakain ako ay napaisip ako kung paano ako maayos na nakaalis kahapon doon sa Canteen nila Jericho, pag tapos ng ganong kaganapan ay hindi ko alam kung paano ako nakauwi ng maayos.

Naging magulo at mabilis kasi ang lahat, pag tapos sabi ng mama niya yun, pag tapos ng sagutin niya yun hanggang sa inasar asar na kami. Ang bilis, namalayan ko nalang na ihinatid niya kami sa sakayan at nakuha pang mag paalam sakin.

Winaksi ko sa isipan ko ’yun at ng matapos kumain ay hinugasan ko agad ang pinag kainan.

Bago umalis ay sinigurado muna na maayos ang bahay at nakakandado bago ko ito tuluyan  iwanan.

Nag trycicle ako papunta sa Church, kaya naman sana lakarin kaso sobrang init dahil sa sikat ng araw.

Nang makarating ako sa church ay agad akong nag bayad sa sinakyan ko.

Hindi nako nag tagal pa at pumasok na agad ako, may kalakihan ang church namin at may dalawang palapag lang ’to.

Pag pasok ko palang sa pintuan ay nakita ko agad na abala ang lahat sa pag aayos, nakita ako ni Sister Olivia, asawa ni pastor narciso.  Nakangiti itong lumapit sa akin at bumati.

“Good afternoon iha, buti nakapunta ka?” Sabi nito, nag mano muna ako bago sumagot.

“Magandang hapon rin po, tinapos ko lang po ang gawain sa bahay bago po ako pumunta dito.” Sabi ko sa kaniya sabay ngiti.

Nag usap pa kami ng onti bago siya mag paalam, nag lakad ako at nakita ko na nandito ang mga Youth. Ang iba sa kanila ay nag tutulong sa pag gugupit ng kung ano, ang iba naman ay pina practice ang mga bata na mag pe-perform bukas.

“Ate Ivy!” Sigaw ng kung sino, nakita ko si Cassandra, isa sa mga Youth dito na nasa bandang altar kaya pumunta ako doon.

“Hello, Cass!” Bati ko dito, nakita ko na inaayos niya ang tela sa may lamesa dito sa altar.

“Hello ate Ivy, buti at napadaan po kayo. Kung hanap niyo po si Sister Vel andoon po siya sa may kusina nag hahanda ng meryenda.” Mahabang sabi niya, nakangiti naman akong tumango.

Naisipan ko na tulungan ang iba sa pag aayos ng mga upuan, hindi ko muna pinuntahan si Nanay dahil panigurado na busy ‘yon.

Inayos namin ang mga upuan sa tamang pwesto niya, nilagyan narin namin ‘yon ng sapin na kulay Puti. Pati ang mga design sa dingding ay tumulong narin ako sa pag kabit, tumulong narin ako sa pag aayos ng altar.

Habang inaayos namin ang pwesto ng lamesa ay lumabas mula sa isang pintuan si Nanay Vel, kasama niya si Sister Norma.
May dala sila ng tray na pag kain,  at mga baso. Nasa likod naman nila ang isang lalaking youth na may buhat ng malaking Water jog.

I Caught you  (Psychess Series #1) Where stories live. Discover now