Chapter 24

32 2 0
                                    

“And the winner is... Jericho and Ivy, Section Psychess! Congestion.” Sabi ng teacher sa harap.

Hindi ako naka react agad dahil sa bigla, Omg! We made it!

“We did it.” Nakangiting sabi ni Jericho kaya nakangiti akong tumango.

“Y-yeah we did it!” masayang sabi ko, para akong naluluha sa saya na nararamdaman ko.

Narinig ko pa na nanalo kami kasi mali ang spelling ng kabilang grupo, nag congratulate pa sila sa amin na agad naming pinasalamatan.

Nagulat ako ng akbayan ako ni Jericho sabay tap ng balikat ko.

“Ang galing mo, ikaw talaga nag panalo satin.” Nakangiting sabi nito.

“Anong ako? Ikaw kaya.” Sabi ko dito.

Rinig ko ang hiyawan ng mga kaibigan ko habang tumatakbo palapit samin kasama ang mga lalaki.

“Actually tayong dalawa, ganda nating mag partner eh.” Sabi nito sabay tawa, natawa narin ako sa sinabi nito.

“Hoy ang galing niyo!”

“Oh my ghad! Congrats!”

“Shesh, nanalo lang may pa akbay na.”

“Ganda ng teamwork niyo!”

“Baka team Jerivy yan!”

Kanya kanya nilang sabi ng makalapit, hindi ko na nga alam kung sino sa kanila o kanino ng gagaling yang mga yan dahil sabay sabay sila.

“Sayang bat kayo nanalo? Hindi tuloy kami malilibre.” Reklamo ni Ram na hawak parin ang banner na gawa nila.

“Sorry, ikaw ngayun ang mang lilibre.” Sabi ko dito na lalo niyang ikina simangot.

Nag congrats pa sila sa amin at nag paalam kami saglit dahil tawag kami ng isang teacher.

Kinausap kami at nag comgratulate na samin, ibinigay pa ang medal at certification. Tapos onting picture taking bago sila mag paalam samin.

Sabi nila ay si ma'am Kayla na ang bahala kumausap samin sa mga gagawin pa.

Dahil inabot kami ng lunch ay dina nga kami tuluyan naka pasok, kami ni Jericho ay okey lang dahil excuse kami ngayung araw. Hindi ko lang alam sa anim na ito na mas na enjoy pa ang pag kapanalo kesa samin.

Now we are here in park, kung saan kami tumambay nung nakaraan, may mga bilihan ng makakain dito at pwede rin kumain kaya nandito kami sa kainan ng pares, mami mga ganon.

“Kumakain ba kayo ng ganto?” tanong ni Nickhel sabay turo sa paninda ng isang ale.

“Oo, kumakain kami niyan. Di naman kami anak mayaman.” Sabi ni Marie na ikinatawa namin.

“Wala naman akong sinabi na mayaman kayo, I'm just asking if kumakain kayo kasi diba merong tao na di kumakain ng ganto.” Paliwanag ng lalaki, tumango tango nalang si Marie sa sinabi nito.

One more thing about kay Marie, matakaw siya. Haha.

“Ikaw kumakain ka niyan?” tanong sakin ni Jericho na ikinatango ko.

“Oo, pero pares lang tapos noodles ang ilalagay.” Sabi ko dito na ikina tango niya.

Napag desisyonan nga namin na dito na kumain, buti nalang at may pwesto kami dito na pwedeng makainan at masilungan.

Pasado alauna narin kasi, medyo tirik pa ang araw at hindi ko alam sa mga ‘to kung bakit dito naisipan na pumunta.

Kanina pala ay tumawag ako kay Nanay Vel at sinabing kami ang nanalo, sobrang saya naman niya dahil sa balitang yun at sinabi na papuntahin ko sa Friday ang mga kaibigan ko at doon kumain para daw sa mini celebration. Hindi ko muna sinabi kanina sa mga ‘to yun dahil baka maisipan nila na sa bahay namin pumunta kanina.

Ngayun ay nakaupo na kami, dahil di kami kasiya sa isang mesa ay pinag dikit nila ang isa pang plastic na mesa. Buti nga at hindi kami pinagalitan, tinanong naman namin kung ayos lang at okey lang naman daw kaya ginawa na namin.

Nag order na kami ng makakain at habang hinihintay ay nag kwentuhan muna kami.

“Kamusta yung feeling kanina Ivy?” tanong sakin ni Fara kaya napatingin naman ako sa kaniya.

“Nakaka kaba, kasi kahit nag review kami ng matagal pag dating namin don kanina nawawala ako sa focus.” Sabi ko dito.

“Dahil do'n bayun o dahil sa pag hawak ni Jericho sa kamay mo habang nag sasagot kayo?” Mahabang sabi ni Christian kaya gulat akong napatingin sa kaniya, pati banaman ‘yun ay nakita pa niya?!

“H-hindi naman...” Sagot ko.

“Hoy anong hindi naman?! Bakit may ganon, bakit may pahawak ng kamay?” Sunod sunod na tanong ni Fara sakin.

“Hoy bakit di namin napansin yun?” tanong ni Rei.

“Gaga! pano mo mapapansin kung di kanaman nakatingin at puro lang kayo harutan niyang ni Christian?” Taas kilay na tanong ni Marie kaya napa nguso ito.

“Wala sakin ang usapan, ako ang pinapagalitan.” bulong nito pero rinig naman namin.

Natatawa namang umakbay si Christian sa kaniya.

“Bakit naman ang cute ng batang ito?” natatawang sabi ni Christian na ikinatawa ng iba.

Akala ko ay nakaiwas nako pero akala ko lang pala yun.

“Pero bakit mag kahawak ang kamay?” muling baling na tanong sakin ni Marie.

Akala ko ay di na niya papansinin yun, bakit ba kasi napaka big deal non huh? Hindi naman diba?!

“She's just nervous, hinawakan ko yung kamay kasi nanginginig.” Paliwanag ni Jericho sa tabi ko.

“Okey, pag ba ako kinabahan may hahawak rin sa kamay ko?” sarcastic na tanong ni Fara dito.

“Oo, ako.” Sabi ni Ram nito sabay tabi kay Fara at lapag ng mga order namin.

“Luh asa ka.” Sabi ni Fara dito sabay irap.

“Aba nag tatanong ka, sinasagot ko lang.” Sabi ni Ram dito.

“Sino ba kasi nag sabing sagutin mo huh?” tanong ni Fara.

“Wala ako lang.” Sabi ni Ram at nag umpisa na nga sila mag sagutan.

“Sorry, ma issue kasi sila.” bulong ko sa lalaki, nakangiti naman siyang tumingin sakin.

“It's okey,” Sabi nito sabay abot ng spoon sakin.

“Kumain kana, masyado na tayong late nag lunch.” Sabi nito kaya tumango ako at inasikaso na ang kakainin.

Kumain naman kami ng matiwasay, pag tapos non ay pumunta kami sa part at ang mga kasama ko ay nag mistulang bata kasi pinag laruan nila ang mga palaruan doon. Katulad ng swing, slide mga ganon.

Naging masaya naman kami, napuno ng kwentuhan at asaran ang mag hapon namin.

Pauwi na kami at ngayun papunta na kami sa sakayan pero bago kami mag hiwalay naalala ko yung sinabi ni Nanay Vel.

“Ahh guys..” tawag pansin ko sa kanila kaya napatingin sila sakin.

“Ano yun, Vy?” tanong ni Marie sakin.

“Kanina kasi tumawag ako kay Nanay para sabihin yung ng yari na pag ka panalo namin, tapos sabi niya kung gusto niyo daw ay pumunta daw kayo sa bahay sa Friday doon na kayo mag lunch.” Paliwanag ko, kita ko ang sabay sabay nilang pag ngiti.

“Ayun oh!” sabi ni Ram, “Makakatipid nanaman ako.” Sabi nito na ikinatawa namin.

Pumayag sila sa sinabi ko at hindi na daw sila makapag antay pa, nag paalam narin kami sa isa't isa at sumakay na para makauwi.

Nang makauwi ako ay sinalubong ako ni Nanay na talagang tuwang tuwa sa pagka panalo ko, inabot ko rin sa kaniya yung medal at sinabi ko na para sa kaniya yun.

Agad naman niya nilagay yun sa isang sulok kung saan andoon nakasabi ang mga medal at katabi ang mga certificate na mga nakuha ko.

At ngayun nakahiga nako at handa nakong matulog, ang daming ng yari ngayun at lahat yun ipinag papasalamat ko.

I Caught you  (Psychess Series #1) Where stories live. Discover now