Chapter 17

37 2 0
                                    

Dumaan ang oras at tahimik lang kaming nag rereview, paminsan minsan ay mag tatanong siya na sinasagot ko naman.

Nag dala rin kanina si Nanay Vel dito ng meryenda kaya ngayun ay kumakain kaming dalawa.

Tutok parin ako sa libro na binabasa ko pati sa reviewer na binigay ni Ma'am Kayla, meron din akong notepad kung saan doon ako nag n-note down.

Ngayun ay naka dapa nako sa carpet, bale nasa tapat ko si Jericho. Hindi yung mismong tapat, nasa gilid siya sa harapan ko.

Hindi kasi ako makaayos ng pag review ng naka upo lang eh.

“Ano bato.” Bulong ko sa sarili ko ng diko maintindihan ‘tong isang topic na binigay samin ni Ma'am kayla.

May topic kasi na ibinigay, the four main model of psychology.

BIOLOGICAL MODEL
BEHAVIOURAL MODEL
COGNITIVE MODEL
PSYCHODYNAMIC MODEL

Gets ko yung tatlo, hindi ko alam kung bakit diko maintindihan yung Behavioural model. Nag search na ako kaso mas lalo lang akong naguluhan eh.

“Do you need some help?” tanong sakin ni Jericho kaya napatingin ako sa kaniya, ngayun ko lang napansin na nakasuot na siya ng salamin. It's round style na black color. I think reading glasses ‘yun.

Napansin niya siguro na nakatingin ako sa salamin niya, medyo laglag narin kasi ang salamin niya at nasa dulo na ng ilong niya kaya dahan dahan niya inayos yun.

“Reading glass, medyo masakit kasi ang mata ko kapag nakababad sa laptop.” Sabi niya, tumango naman ako ng dahan dahan.

“Ahh...” Tumatangong sabi ko, napakamot nalang ako ng ulo at muling tinignan yung folder na reviewer ko.

“Do you need help?” muling tanong nito, nahihiya naman akong tumingin sa kaniya.

“Ito lang... Isa, hindi ko kasi ma gets. Iba yung nasa reviewer iba rin yung nasa libro pati sa Internet.” Sabi ko sabay lapag ng reviewer ko.

Lumapit naman siya sa akin at bahagyang yumoko, tinuro ko naman ang topic na diko maintindihan.

“The four main models?” tanong nito sabay harap sa akin, dahil naka yuko at ako ay naka dapa ay onti nalang ang layo namin sa isa't isa.

“Ah o-oo.” Tango ko sabay pakita ng notes ko, “itong Behavioral Model lang ang hindi ko maintindihan, okey na rin naman ako sa tatlo.” Nahihiyang sabi ko sabay kamit bahagya sa pisngi.

Napatango naman ‘to sabay baling ulit sa reviewer ko.

“This is theory, they said Behavioral theory seeks to explain human behavior by analyzing the antecedents and consequences present in the individual's environment and the learned associations he or she has acquired through previous experience.” Sabi nito, ayun yung nakalagay sa reviewer ko.

“Based in the word Behavioral, this is about the action or expression of someone. Do you familiar of ABC models?” tanong nito sa akin kaya tumango ako, sa pag kakatanda ko ay isa yun sa main topic namin when we are first year college.

“Sabi nila sakop ng Behavorial ang Antecedent and consequences. So based of ABC models, alam naman natin na kasama ang Antecedent and consequences diba? Para lang naman siyang ABC models wala lang yung Behavior kasi nga karugtong siya palagi ng antecedent.” Paliwanag nito sa akin kaya tumango ako sa kaniya.

“For example ito.” Sabi niya ay pinakita niya sa akin ang Cookies na bigay sa amin ni Nanay Vel kanina.

“Ano meron?” tanong ko at umayos ng tingin sa kaniya.

I Caught you  (Psychess Series #1) Where stories live. Discover now