Chapter 37

30 1 0
                                    

Warning: Sensitive content in this  chapter, read at your own risk. If you are not ready for those sensitive words you may skip those scenario.

Hindi kona alam kung paano ko nagawa ang mga kailangan gawin, hindi ko alan kung paano ako naka punta sa hospital nung araw na ‘yun ng maayos.

Hanggang ngayun hindi ko parin alam ang ng yayari, parang hindi ko kayang tanggapin. Sunod sunod ang ng yari, hindi ko kaya pang tanggapin.

Akala ko magiging maayos pero bakit ganto? bakit mas masakit kesa sa inaakala ko?

Nandito na kami ngayun sa bahay, dito rin dinala si Nanay para sa lamay.

May mga lumalapit sa akin para mag sabi na nakikiramay sila, pero hindi ko sila maasikaso ng maayos dahil sa sobrang bigat ng nararamdaman ko.

Nakatulala parin akong naka tingin kay Nanay na akala mo ay mahimbing lang na natutulog.

Napatingin ako sa gilid ko ng may tumabi sakin, nakita ko si Marie, Rei at Fara.

Wala silang sinabi na kung ano, niyakap lang nila kaya mas lalo akong napaiyak.

“Ivy...” Umiiyak na sabi ni Marie sakin, lumayo si Fara para punasan ang luha na kumawala sa mata niya.

“We are here for you, don't cry na.” Umiiyak na sabi nito.

“Ewan ko, hindi ko na alam ang gagawin ko.” Umiiyak na sumbong ko sa kaniya, nakasubsob nako sa tiyan niya pero di niya ako inawat at hinayaan niya lang ako umiyak.

Nag lagay sila ng upuan sa tabi ko para doon umupo.

“Alam kong kaya mo ‘tong
lagpasan.” Sabi ni Fara, pero tanging pag iling lang ang naisagot ko sa kaniya.

“H-hindi ko alam, bakit ganto? Nung umalis ako sa bahay sabi niya okey lang daw siya, sabi niya lagi daw siyang andiyan para sakin.” Umiiyak nanam ako habang nag kwe-kwento, hinagod naman ni Rei ang likod ko.

“Paano niya ako mababantayan kung wala na siya? Iniwan nako ni Nanay, iniwan nanaman ako ng mga taong importante sakin.” Umiiyak na sabi ko.

“Ano kaba, andito pa kami Ivy. Hindi ka namin iiwan, lagi kaming andito, si Jericho? Alam kong di karin niya iiwan.” Pampalubag loob sakin ni Marie.

Napangiti naman ako ng wala sa oras, iniwan narin niya ako Marie.

Gusto kong sabihin pero diko magawa, gusto ko pati yung samin ni Jericho malaman nila pero parang diko pa kayang sabihin.

Tumagal pa sila don sa tabi ko hanggang sa pumunta samin si Ate tes.

“May bisita ka ata, Ivy.” Sabi niya kaya napatingin ako sa pinto.

Nandoon ang lalaking akala ko makakasama ko sa lahat ng mapag dadaanan ko, sa lahat ng problema na kakaharapin ko.

Nasa harap ko ang lalaking akala ko ako lang ang mahal niya, nasa harap ko siya ngayun. Akala ko siya ang makakasama ko ngayun, akala ko s'ya ang dadamay sakin ngayun pero siya pa ang mas lalong nag palubog sakin.

“Jericho—” naputol ang sasabihin ni Marie ng tumayo ako.

“Anong ginagawa mo dito?” tanong ko dito.

Nakita ko ang takot, lungkot at sakit sa mga mata niya.

Napatingin ako kila Fara ng Bigla silang lumapit sakin at tila nagulat sa inasal ko, napansin ko rin ang pag pasok nila Ramesis galing sa labas.

“Ivy, please?” tila ng hihina niyang tawag sakin.

I sarcastically laugh, “What now Jericho? What are you doing here? Tapos na tayo, bakit kapa nandito.” Sabi ko dito.

I Caught you  (Psychess Series #1) Where stories live. Discover now