Chapter 13

30 2 0
                                    

Day past at ganoon nga ang naging set up namin, nag self study kami ni Jericho. Paminsan minsan ay nag me-message siya para itanong ang pinag a-aralan ko para sabay kami pag aralan ‘yun.

Hindi nako nakakaramdam ng pagka ilang sa lalaki, madalas kasi ay kami lang ang sumasagot at minsan ay pinag de-debate kami ng teacher namin pero pag tapos non, kapag nag kakatinginan kami ay kusa nalang kaming natatawa sabay iling.

Hindi ko alam pero parang ang gaan ng pakiramdam ko sa lalaki, matalino siya dahil kahat ng tinatanong ng professor namin ay nasasagot n'ya.

Today is Thursday, Tatlong unit lang ang hawak namin ngayun.
Isa kay Ma'am kayla, Ma'am Veronica at last ay kay Sir Fahar.

Ten panaman ang start ng klase namin kay ma'am Kayla, siya ‘yung teacher na nag sali samin sa program. Mamaya ay ibibigay sa amin ang mga pwede naming i review na makakasama sa quiz bee na sinalihan namin.

Naka uniform na ako at ngayun ay tinatali ko nalang ang buhok ko pataas, masyado kasing mainit lalo na kapag sumakay ako ng Jeep mamaya tapos siksikan pa. Nang maayos kona ang sarili ay kinuha kuna ngayun ang bag ko at ang libro na kailangan ko.

Pababa nako ng maalala ko si Mache na natutulog sa kulungan niya, kumuna ako ng dog food at nilagay ‘yun sa lagayan niya at hinawakan narin ang ulo bago lumabas ng kwarto.

“Ang ganda mo naman ngayun.” Biglang sabi ni Nanay Vel, ayan nanaman siya.

“Nay, papasok ako syempre kailangan ko mag ayos.” Sabi ko dito.

“Oo kasi andoon ang kaklase mong si Jericho diba?” Mapang asar nanaman niyang sabi.

“Nay naman, mag kaklase lang po kami.” Sabi ko dito.

“Oo nga, aba wala naman akong sinasabing hindi kayo mag kaklase!” Sabi nito.

“Nay naman, lagi niyo nalang ako inaasar.” nakanguso kong sabi dito.

“Aba, hindi kita inaasar! Sinasabi ko lang na bagay kayo nung Jericho.” Sabi nito kaya di nalang ako nag salita.

“Ay nga pala nay.” tawag pansin ko dito kasi naalala ko ay bukas at sa sabado ang naging usapan namin ni Jericho na mag review sa bahay nila, sa susunod naman ay dito sa bahay namin.

“Ano ’yun?” tanong nito.

“Nay isinali po kasi ako sa quiz bee, kasama ko po si Jericho doon.” Diko pa natatapos ang sasabihin ko ay nakita ko na ang ngiti niya ng banggitin ko ang pangalan ng lalaki.

“Tapos? Kelan ‘yan?” tanong nito.

“Bukas po sana at sa sabado sa bahay po kami nila Jericho, sa susunod naman po na Friday st Saturday ulit ay dito na dahil sa susunod na linggo na ang laban namin.” Mahabang sabi ko dito, napatigil siya sa pag pupunas ng mesa at mariin akong tinignan.

Maya maya pa ay nag salita narin ‘to.

“Ang gusto ko ay dito muna kayo mag practice bago sa kanila.” Sabi nito na ikinagulat ko.
“Gusto ko pa siya makausap at makilala, hindi ako papayag na pupunta ka sa bahay ng lalaking ‘yan hanggang hindi siya mismo ang nag papaalam sa akin.” Sabi nito, napatango nalang ako ng wala sa oras.

Minsan nakakatakot rin ‘tong si Nanay Vel eh.

“Sige po nay, sasabihin ko po.” Sabi ko dito.

Nag paalam narin ako para pumasok, dali dali akong pumara ng jeep dahil tirik na ang araw ayoko naman mag babad pa doon sa hintayan ng Jeep.

Di rin naman nag tagal ang biyahe, nakarating rin naman ako ng maayos sa university.

Dumiretsiyo na ako sa room namin dahil andoon na ang mga kaibigan ko, sakto pag pasok ko ay nandoon na sila as usual nag dadaldalan nanaman sila.

Lumapit na ako at umupo sa pwesto ko, sila naman ay natahimik at sabay sabay akong tinignan kaya napa taas ang kilay ko.

“Bakit?” Tanong ko sa kanila.

“Bakit pansin namin, close na kayo noong Jericho? Ano ng yari?” tanong sa akin ni Rei.

“Hindi naman.” Sabi ko sa kanila.

“Anong hindi, e tuwing pag tapos n'yo sumagot ay nag titinginan kayo tapos minsan ay nakikita pa namin ang pag tawa niyong dalawa.” Mahabang sabi ni Marie.

“hindi ba pwedeng close friends na ganon?” tanong ko sa kanila, napatingin naman sila sakin na parang may sinabi ako na di kaaya aya.

“Close friends ka diyan, gaga sinong niloko mo?” Sabi sakin ni Fara kaya natatawa akong umiling sa kanila.

“Alam niyo, intindihin niyo ‘yun sa inyo dahil kaibigan ko lang si Jericho. Nag uusap kami dahil kailangan para doon sa sinalihan namin.” Sabi ko dito.

Kinulit pa nila ako ng kinulit pero wala silang magandang nakuhang sagot mula sakin.

Hanggang sa dumating si Ma'am kayla, nag turo muna siya bago niya kami kausapin.

Matapos mag turo si ma'am kaylaa ay agad niya kami binalingan ng tingin.

Nakaupo siya ngayun sa upuan niya habang may mga hawak na folder.

“Miss Elegio, Mr. Garcia, Come here.” Tawag pansin nito samin.

Siniko naman agad ako ni Rei at malisyosang tumingin sa akin.

“Tigilan moko.” Sabi ko dito bago tumayo at pumunta sa gilid ni Ma'am kayla.

Ganon rin ang ginawa ni Jericho, pero hindi siya sa gilid ni ma'am Kayla tumayo kundi sa gilid ko.

Napalunok pako ng malanghap ko ang pabango niya, hindi kasi matapang ang pabango ng lalaki kaya hindi nakakasawa ang amoy.

“Okey, ito ‘yung sinasabi ko na reviewer. Nag sisimula naba kayo mag review?” Tanong nito sa amin kaya naman tumango ako, ganon rin ang ginawa ng lalaki.

“Mabuti, Makakalaban niyo naman diyan ay ang buong department lang na BS psychology. Kung papalarin na manalo kayo ay kayong dalawa rin ang ipang lalaban sa sampung university.” Nakangiting sabi samin ni Ma'am kayla na ikinagulat ko.

Akala ko naman ay simpleng program lang, hindi ko naman alam na may paganto pala!

“Akala ko po ay dito lang kami makikipag laban.” Mahinang sabi ko, natatawang hinawakan naman ni Ma'am kayla ang kamay ko.

“Ano kaba, huwag kang kabahan! Alam mo may tiwala ako sa inyong dalawa kasi panatag ako na mananalo kayo dito. Matalino kayo kaya kaya n'yo ‘yan! Huwag kayong kabahan, andito ako lagi kapag may tanong kayo pwede niyo akong puntahan sa office ko para kausapin.” Sabi nito.

Inabot narin samin ang reviewer, hindi parin ako maka move on sa mga sabi ni ma'am kayla kaya ng mag dismiss siya ay lutang akong sumunod kila Rei papunta sa cafeteria.

I Caught you  (Psychess Series #1) Where stories live. Discover now