Chapter 14

36 2 0
                                    

Ngayun nasa Cafeteria na kami at kumakain, napili ko na sandwich nalang ang kainin dahil kumain narin naman ako bago umalis sa bahay.

“Oh my ghad Ivy! Kailangan mo galingan kung sakaling ilalaban kayo sa ibang university!” Sabi ni Marie.

“Tama, malay mo sa ibang lugar kayo ilalaban diba? Shesh girl sama kami!” sabi ni Rei.

Naiiling nalang ako, sila excited at naman ay kinakabahan na.

Hindi ko alam na ganto ang mangyayari, na pressure ako
Hindi ko alam ang gagawin ko kasi kung sakali na manalo man kami ay ito ang unang beses kong ilalaban sa ibang school.

“Girl i know you can do it! We are here to support you okey? Don't pressure your self, Kaya mo ‘yan!” pag papalakas ng loob ko na sabi ni Fara, ngumiti naman ako sa kaniya sabay buntong hininga.

Nag kwentuhan na sila ng may biglang lumapit sa pwesto namin.

“Can we sit here?” tanong ng kung sino kaya napatingin ako sa likuran ko, nakita ko sila Nickhel na nakatayo sa gilid ng mesa namin. Kumpleto sila ngayun, napunta ang mata ko sa lalaking nakatingin narin pala sakin.

He smile to me so i give it to him too, i smiled back.

“Sure!” Agad na sabi ni Rei, napabaling ako sa kaniya ng tingin pero nginingitian niya lang ako ng matamis.

Nakaupo kasi kami sa mahabang mesa nga, kaya paniguradong kasiya kami ditong lahat.

“Paupo ahh?” Sabi ni Jericho, tumango nalang ako bago umupo ng maayos, ramdam ko ang pag hinto nila Fara sa pag kwentuhan at sabay sabay silang tumingin sa amin.

“Kayo?” biglang tanong ni Christian kaya napa ubo ako, anong klaseng Tanong yan?!

Kinuha ko ang inumin sa mesa at agad na uminom doon, binalingan ko naman ng masamang tingin sila Marie ng sabay sabay silang tumawa.

“Hindi daw sila.” Sabi ni Rei sa lalaki.

“Oo, close friends lang daw.” Sabat rin ni Fara na pinag diinan pa ang sinasabi.

“We?” Di makapaniwalang sabi ni Christian.

“Oo nga, pero diko alam. Baka ni low-key ng kaibigan mo ‘tong kaibigan ko ah!” Sabi ni Rei sa lalaki.

“Aba malay ko sa kanila, ano bang ganap pre?” baling ni Christian kay Jericho na tahimik lang na kumakain, napatingin ako sa kinakain niya at napanganga ng makitang parehas kami ng kinakain.

“We are just...” Sumagot s'ya pero di niya tinuloy, napatingin naman ako sa kaniya at doon nag salubong kami ng tinging dalawa.

“Friends.” Pag papatuloy nito habang diretsiyo ang tingin sa mata ko, nag iwas ako ng tingin dahil parang diko kayang mag titigan sa kaniya ng ganon ang paraan niyang tumingin sa akin, para kasing hinihigop ako non.

“Okey, akala ko ay kayo na dahil madalas ko kayong makitang mag kausap sa chat e.” Sabi nanaman ni Christian.

“Hoy bakit walang ganong makakarating sa amin?” Reklamo nila Rei sa akin, napabuga ako ng hangin bago sumandal sa kinauupuan ko.

“Like what i said earlier, nag uusap kami dahil doon sa review na ginagawa namin.” Sabi ko sa kanila, hindi parin sila makuntento sa sagot ko kaya tumingin ako sa katabi ko.

“Right?” tanong ko dito, kumakain na siya ngayun kaya bahagya siyang timingin sa akin bago tumango.

Tumingin ako sa mga kasama namin at napataas ng kilay ng pareparehas silang tumingin sa amin.

“Lagi kami ang napapansin niyo, paano naman ‘tong si Rei at si Christian? Anong meron sa inyo.” Baling ko sa dalawang mag katabi ngayun.

Napansin ko ang pag ngisi ng mga lalaki sa sinabi ko, si Rei naman ay biglang namula!

I Caught you  (Psychess Series #1) Where stories live. Discover now