Chapter 18

31 4 0
                                    

Dumaan ang Sabado na ganon ang ng yari, pumunta siya sa bahay at doon nag tanghalian katulad ng sabi ni Nanay, nagulat pa kami ng may dala siyang Minudo na paborito ni Nanay.

Si Nanay naman ay tuwang tuwa dahil sa dala ng lalaki, ganon rin naman ang lalaki. Halos di nga ni Nanay kinain ang luto niya at mas piniling kainin ang dala ng lalaki, pinuri rin niya at sinabing masarap ang luto. Nalaman namin na siya mismo ang nag luto ng minudo at sa sobrang saya ni Nanay ay nag order ‘to ng pizza para sa meryenda namin habang nag rereview.

Wala namang bago, nag review lang kami doon parin sa kwarto ko. Alas singko ulit s'ya nakauwi nung sabado, nung linggo naman ay wala kaming usapan na mag kikita pero nakita ko ulit siya sa simbahan, nasabi niya kasing may pinapaabot sa kaniya ajg pastor kung saan siya nag sisimb kaya naroon siya.

Nung araw rin yun ay pupunta sana kami nila Nanay sa kainan nila ang kaso ay sarado, may sakit parin kasi ang tatay niya at walang tatao sa tindahan kaya nag sara muna sila pang samantala.

Day past, mas lalo akong naging busy, hindi lang din kasi yung sa program ang inaaral ko pati narin yung mga lesson namin ngayun ay inaaral rin namin. Di kasi kami excuse sa ibang subject dahil review palang angng yayari, i-excuse lang kami ni Ma'am kayla kapag program na.

Speaking of program ay sa lunes na ‘to gaganapin, ngayun ay miyerkules kaya kinakabahan na rin ako. Tuwing gabi ay nag aaral parin ako at binabalikan yung reviewer at notepad ko baka kasi may nakaligtaas akong pag aralan.

“Ang tagal naman ni Ma'am Veronica matapos.” Bulong ni Fara na nasa tabi ko, kanina pa siya naka busangot habang nag tuturo si ma'am Veronica sa harap.

Nah d-discuss ang babae sa harap kaya tutok ako, nag take down notes rin ako sa mga sinasabi nito sa notebook ko.

Ang buong klase ay tutok sa babae kasi bigla bigla nalang itong nag tatanong pero si Fara ay parang wala lang dahil nakapangalumbaba lang siyang nakatingin sa babae.

“Okey, that's it. Thank for this day.” Sabi ni Ma'am Veronica kaya agad kaminh napatayo ng mag paalam to.

“Sa wakas makikita kona ulit siya.” Sabi ni Fara habang nag iinat inat pa.

“Nag kita naman kayo nung Monday, Fara. Kahapon lang kayo di Nag kita ni Sir ang OA mo.” Sabi ni Marie dito, napaunst rin ako pero agad napadaing dahil sa pananakit ng likod, mukhang na ngalay ako sa madalas kong pag yuko. Mamaya nga ay papalagyan ko ng mainit na pampahid Kay Nanay ang likod ko.

“Aba, dapat kasi lagi kaming nag kikita!” Reklamo ni Fara, napailing nalang si Marie sa inaasta ng babae.

May isang subject pa kami bago umuwi, at kay Sir Fahar yun. Medyo pagod nako pero kailangan ko pang dumaan sa Library para kumuha ng libro doon na kasama sa pag aaralan ko.

“Ayan na siya!” Sabi ni Fara, napangiwi nalang ako dahil sa inaasta nito.

Parang kanina lang ay tamad na tamad siya sa subject ni Ma'am Veronica tapos ngayun ang Hyper na niya.

“Good Afternoon Class,” Bati ni Sir bago pumunta sa table niya.

“Good afternoon, Sir.” We all said with chorus, maliban lang sa isa na nag pahuli bumati.

“Good afternoon, love!” Sabi ni Fara, tinapunan naman siya ng tingin ni sir at tinaas lang siya ng kilay.

“Take a sit.” Sabi lang ni Sir at hindi pinansin ang babae.

Natatawa naman kasi sa reaksiyon ni Fara na ngayun ay naka busangot at masama ang ginawad na tingin sa teacher namin.

“Ano ka ngayun?” Sabi ni Marie.

I Caught you  (Psychess Series #1) Where stories live. Discover now