Chapter 21

35 2 0
                                    

Maaga akong nagising ngayun, dahil maaga ang pasok ay maaga rin akong nag ayos.

Ngayun pala ‘yung araw na pupunta ako kila Jericho, kagabi palang ay inayos ko na ang mga dadalhin na gamit. Nag paalam narin ako kay Nanay Vel kahapon pero mag papaalam parin naman ako ngayun bago umalis.

Nang matapos ako maligo ay sinuot ko na ang itim na trouser pants ko at pinartneran  ko siya ng white na fitted T-shirt.  Naka tack-in ‘to at pinarisan ko narin ng white rubber shoes.

Nang makunten na ay kinuha ko na ‘yung black bag ko at sinuot na ‘yun, i just put my hair into messy bund para dina kumalat kalat sa mukha ko ‘yung buhok ko.

Nang makababa ako ay sumalubong sa akin si Nanay Vel na nag kakape, lumapit naman ako sa kaniya para bumati.

“Good morning Nay.” Bati ko sabay baba ng bag, mag almusal kasi muna ano bago pumasok.

“Good morning rin.” Bati nito sakin sabay abot ng baso ng gatas na agad na ikinangiti ko, kumuha na ako ng pag kain at nakita ko na ganon siya mukhang sasabayan ako ni Nanay ngayun.

Nag dasal muna kami bago mag simulang kumain, maya maya ay nauna na akong mag salita.

“Nay mamaya po, ma lalate ako ng uwi ah? Diba po ay ngayun yung araw na mag review kami sa bahay nila Jericho.” Paalam ko dito.

“Hindi ba ay pinag paalam mo nayan kagabi?” Tanong nito, napakamot naman ako bago tumingin sa kaniya.

“Ano kasi nay, nag papaalam lang po ulit.” Sabi ko dito na ikinatango niya.

“Hindi kanaman excited ano?” tanong sakin ni Nanay kaya nanlalaking mata ko siyang tinignan.

“Syempre hindi Nay!” Sabi ko dito, medyo napalakas pa kaya napapikit ako sa hiya.

Bakit ba napaka oa mo Ivy?!

“Okey, kunwari hindi halata.” Sabi ni Nanay kaya naman napangusk ako.

Napuno ng asaran ang hapag kainan hanggang sa mag paalam ako, inasar pako ni Nanay na balitaan siya kung anong mangyayari mamaya pero diko nalang pinansin.

Nang makaalis ako sa bahay ay naging madali ang pag pasok ko, pag punta ko sa room ay wala naman pinag bago, magulo parin sila.

Naging normal lang ang araw na ito hanggang sa matapos ang oras ng klase, ngayun ay nag aayos na ako para umuwi— pupunta nga pala ako kila Jericho.

Nang maalala ko ‘yun ay agad hinanap ng mata ko ang lalaki, di naman ako nahirapan dahil nakita ko siyang papalapit na sa akin.

Tumayo na ako para salubungin ang lalaki.

“Tara?” tanong nito sa akin na ikinatango ko,

“Tara—” diko natapos ang sasabihin ko ng sumingit sa gitna namin si Fara at Rei, epal naman.

“Teka saan kayo pupunta?!”

“At bakit hindi kami kasama?” sabay na sabi ng dalawa, napa ngiwi nalang ako sa inasta ng dalawa.

I silent apologize to Jericho,ano ba kasing ginagawa nila?!

“We are going to review,  sa bahay nila Jericho.” Ako na ang sumagot at inayos ang buhat kong bag.

“Ano?! Bakit doon?!” Oa na tanong ni Rei.

“At bakit hindi? Nung nakaraan sa bahay kami, ngayun sa kanila naman.” Paliwanag ko.

“E bakit di mo sinasabi samin to?” Singit ni Marie, napahinga ako ng malalim bago tignan ang oras, 12:15 na pero nandito parin kami.

“We need to go, wala naman kaming ibang gagawin.” Sabi ko at aalis na sana ng hilain ako ni Fara.

I Caught you  (Psychess Series #1) Where stories live. Discover now