Chapter 26

28 2 0
                                    

“Uy dito ako u-upo.” kanya  kanya na sila sa pag hanap ng mauupuan ng makarating kami sa room.

Ang sabi nila ay tinatamad pa daw sila umuwi at gusto pa daw nila maki sit in, dilang nila sabihin na gusto nila humarot eh.

“Ako diyan!” Sabi ko ng umupo si Christian sa upuan ko.

“Ay, dito nalang ako sa kabila.” kamot ulong sabi niya, napailing nalang ako.

Nakita ko pa kung paano paalisin ni Fara si Ram sa tabi niya ng doon umupo ang lalaki.

Sa bandang huli ay naupo si Nickhel at Ram sa tabi ni Jericho, si Christian naman ay naupo sa kaliwa ni Rei at ngayun may sarili na silang mundo.

Hindi nag tagal ay dumating na si Sir Fahar at agad niyang napansin sila Ram or should i say ang pinsan niya.

“What are you doing here?” tanong ni Sir Fahar kay Ram pero parang wala naman narinig ang lalaki at kunwari ay nag babasa ng libro, eh kay Jericho yun. Inagaw lang niya.

“Ramesis.” tawag nito sa pangalan ng lalaki kaya napatingin ito sa kaniya na parang matinong lalaki at walang ginagawang kabalastugan.

“Ohh...” Sabi nito sabay tayo,
“Good after sir!” bati nito sabay ngiti pa, ang mga kaibigan niya ay halata ang pag pipigil ng tawa sa nakikita.

“What are you doing here?” taas kilay na tanong nito sa lalaki.

“Sit in?” hindi siguradong sagot ni Ram at dahan dahan na umupo habang peke ang ngiti sa pinsan niya.

Kami naman ay tahimik lang na nakamasid sa kanila.

“Sit in? Wala ba kayong klase?” takang tanong ni Sir Fahar sabay lapag ng mga gamit niya sa table.

“Wala na.” Sagot niya.

“Oh, bakit di kapa umuwi?” tanong ni Sir, para kaming nanonood ngayun at palitan kami ng tingin sa dalawang taong nag papalitan ng salitaan.

Parang nakalimutan nila na madaming tao dito sa harap nila, at ganyan na sila mag salita.

“I can't may hinihintay ako.” Sabi nito sabay baling sa pwesto namin.

“Who? Hindi to waiting area Ramesis, huwag kayo dito mag hintay.” matigas na sabi ni sir bago sila isa isahan tignan, napatingin rin siya sa pwesto namin at pansin ko ang pag tagal niyang tingin kay Fara kaya pasimple kong tinignan ang babae na tahimik lang naman na nakatingin sa libro niya.

“Si Fara, may date kami.” Sabi nito, gulat akong napatingin sa lalaki at ngayun ay nakangisi na siyang nakatingin kay Sir Fahar.

“Hoy, huwag mo nga akong idamay diyan na nanahimik ako.” Masungit na sabi ni Fara dito.

“Luh, paano bayan wala kang choice nakapag reserve nako sa isang restaurant.” Sabi ni Ram dito, sinamaan naman siya ng tingin ni Fara.

“Pake ko, kunain ka do'n mag isa mo.” Sabi nito sa lalaki.

“Pero diba—” di natuloy ang sasabihin ni Ram ng may salita si sir.

“Ramesis, get out.” Galit na sabi ni Sir dito, pero parang di natinag ang lalaki at naka ngisi lang ito kay Sir Fahar.

“You know Sir, mag turo kana baka maubusan ka ng time kakapaalis sakin e di naman ako aalis.” Diretsiyo na sabi ni Ram dito.

Pinilit pa ni Sir Fahar na paalisin sila Ram pero mukhang wala talaga silang balak kaya walang nagawa si Sir Fahar kundi hayaan nalang sila dahil baka maubusan lang siya ng time kaka paalis sa mga lalaki.

Makakapal kasi ang mukha at mga wala talagang balak umalis.

Nang mag simula si Sir mag turo ay tahimik lang kaming nakikinig, maski sila Nickhel ay nanahimik nalang mukhang nagustuhan nila ang topic ngayun.

I Caught you  (Psychess Series #1) Onde histórias criam vida. Descubra agora