Chapter 31

25 1 0
                                    

Pag katapos niya ako sagutin sa huling katanungan ko ay natahimik kaming pareho, natitig ako sa dagat na ngayun ay medyo malakad ang alon sa lakas kasi ng hangin.

Tumunog ang cellphone ko at nakita ko na may tumatawag, napatingin ako sa oras at nakitang alas quattro na pala. Hindi ko namalayan na hapon narin kaya pala hindi na mainit at kita na ang pag iiba ng kulay ang kalangitan.

“Hindi mo ba sasagutan?” maya maya ay tanong ni Jericho, doon lang ako natauhan at dali daling sinagot ang tawag ni Marie sakin.

“Hello?” Sabi ko, nag request ito ng Video call kaya inayos ko muna ang sarili bago i accept.

“Hoy buti at sinagot n'yo!” bungad sakin ni Marie, napatingin naman ako sa likod niya at nakitang mag kakasama nanaman silang anim.

“Bakit pala kayo napatawag?" Tanong ko pag katapos ay hinawi ko ang buhok na humaharang sa mukha ko dahil sa lakad ng hangin.

“Ay sorry, naabala ba namin kayong Dalawa?” tanong ni Fara kaya napa irap ako.

“Maganda ba diyan? Patingin naman!” Sabi ni Rei.

“Paano?” tanong ko, nakita ko kung paano niya ako irapan.

“I ikot mo yung camera mo.” Sabi ng babae,

“Ayoko nga.” Sabi ko, rinig ko ang pag tawa ni Jericho sa likod ko kaya agad ko siyang pinanlakihan ng mata.

“Attitude.” bulong nito kaya inirapan ko nalang siya.

“Huwag muna kayo mag lambingan diyan, patingin ng lugar!” sabi ni Rei kaya siya naman ang binalingan ko ng masamang tingin.

“Kung makautos wagas, ikaw nalang kaya ang pumunta dito.” Sabi ko bago ipunta ang camera sa backcam.

“Ayan na.” inis na sabi ko dito, at inikot rin ang camera sa Paligid.

“Asan kayo?” tanong ni Nickhel na ngayun nasa likod ni Marie naka Dungaw din.

“Medyo malayo sa Resort, nag tambay lang dito.” Sagot ni Jericho.

Tumayo siya at inabot sakin ang kamay, diko sana aabutin kaso nakalahad na kaya wala akong magagawa kundi abutin ang kamay niyang nakalahad.

Agad niya ako inalalayan patayo at nag lakad kami malapit sa dagat.

“Ganda naman d'yan, sulit rest day niyo ah. Nakaligo naba kayo ng dagat?” tanong nito kaya napatingin ako sa lalaki bago sumagot.

“Hindi pa, baka mamayang gabi. Para onti nalang ang naliligo.” Sabi ko, ayun naman talaga ang balak ko ang maligo mamayang gabi.

“Sus, kumukuha lang talaga kayo ng time ni Jericho para mag solo!” Sabi ni Fara.

“May mga kasama kami, anong mag sosolo?” tanong ko dito bago ibalik ang camera paharap sakin.

Wrong move dahil nasaktuhan na hinawakan ni Jericho ang buhok ko na nakaharang sa mukha at dahan dahang inipit sa likod ng tenga ko.

Nakatingin siya sa mga mata ko habang ako naman ay nakatingin lang din sa kaniya.

“Hoy ano ‘yan?!”

“Excuse me andito kami!”

“Ehem hindi na torpe”

“Bakit may paganya!”

Dahil sa mga sinabi ng mga kaibigan namin ay doon lang ako nag alis ng tingin at tinignan sila.

Nang makita ang iba nilang tingin ay agad akong nag salita.

“Mamaya nalang, bye.” Sabay baba ng tawag.

“Ahh mamaya nalang ako mag sasabi ng tungkol sa ‘kin, mag alas singko na baka hinahanap na tayo doon.” Baling ko kay Jericho na nakatingin lang naman sakin.

I Caught you  (Psychess Series #1) Where stories live. Discover now