Chapter 16

27 2 0
                                    

“Tara nag hahain ako, kumain muna kayo.” Sabi niya muli at inaya na kami sa lamesa.

“tara.” Sabi ko sa lalaki bago sumod kay Nanay Vel.

Pumunta na ako sa pwesto ko, sumunod naman si Jericho sa akin, natatawa ako dahil halata ang kaba sa kaniyang mukha at mukhang di alam ang gagawin kaya itinuro ko ang katabi kong upuan.

Five sitter lang naman ang dinning table namin kaya sa tabi kona siya pinaupo.

Agad naman n'ya yun sinunod at naupo na doon, ganon rin ang ginawa ko at nakita ko si Nanay Vel na nakamasid lang pala samin.

“Ayos kalang ba iho? Bakit parang kinakabahan ka?” Nakangiting tanong ni Nanay Vel na naupo sa harapan namin.

“Ayos lang po ako.” Sagot nito.

“O siya, ito ang plato.” Abot sa amin ni Nanay, binigyan ko naman muna si Jericho bago sa akin.

Sakto at Adobo ang niluto ni Nanay Vel, paborito ko ‘to at sa pag kakatanda ko ay paborito ito ni Jericho.

Walang nag sasalita samin at napatingin ako salalali ng makitang nakayuko ito at nakapikit, napatingin naman ako kay Nanay Vel na nakatingin rin sa lalaki at maya maya ay tumingin sa akin.

“Mag dasal narin tayo.” Sabi ni Nanay Vel sakin ng walang boses kaya isang beses ako tumango bago nag dasal ng tahimik.

Nag angat ako ng ulo at nakita kong tapos narin sila.

“Kain na tayo?” tanong ni Nanay Vel na ikinatango namin ni Jericho, inabot ko ang plato na may kanin at ibinigay kay Jericho.

Agad naman niya ‘yun kinuha sakin.

“Salamat.” Sabi nito, ng matapos niya lagyan ang kaniya ay nagulat ako ng lagyan niya ang plato ko.

“Ayos naba ‘yan?” tanong niya kaya napatingin ako sa plato ko, nakita kong sakto naman kaya tumango na ako.

“Salamat.” Sabi ko, inalok niya rin si Nanay Vel na siya ang mag lalagay pero sabi ni Nanay na siya nalang.

“Kumakain kanaman siguro ng Adobo iho?” Tanong ni Nanay Vel, nag lalagay kasi ako ng ulam sa pinggan ko.

“Opo ma'am, actually po that's one is my favorite dish.” Sagot ni Jericho.

“Nanay Vel nalang ang itawag mo sa akin, kung hindi ka komportable, tita Vel okey na sakin ‘yun.” Sabi ni Nanay sa kaniya.

“Sige po tita Vel.” Nakangiting sagot ni Jericho.

“Paborito mo rin pala ang adobo, parehas kayo ni Ivy. Paborito niya rin ‘to.” Sabi ni Nanay ng iabot sa kaniya ng lalaki ang ulam.

“Ganon po ba.” Nakangiting sagot ni Jericho, sabay tingin sa akin.

Tinaasan ko lang naman siya ng kilay, nakangiti nanaman siya parang kanina lang ay kinakabahan pa siya ahh. Ang bilis kumapal ng mukha— emz.

Habang kumakain kami ay panay ang tanong ni Nanay Vel sa lalaki at magiliw naman niya itong sinasagot.

“Talaga? Minsan nga ay pupunta kami doon ni Ivy para makakain.” Sabi ni Nanay, na kwento kasi ng lalaki yung kainan nila.

“Actually Nay nakapunta napo ako doon,” Sabat ko kaya napatingin sila sa akin. “Last Friday nay, don po kami nag lunch nila Marie.” Sabi ko sa kaniya na ikinatango niya.

“Bakit hindi mo sinabi sa akin?” Sabi niya.

Tumikhim muna ako bago tumingin kay Nanay.

“Hindi korin naman po alam na doon kami kakain, late ko ng nalaman.” Pag papaliwanag ko dito.

I Caught you  (Psychess Series #1) Where stories live. Discover now