CHAPTER : TWENTY - FIVE

7K 198 29
                                    

Sierra

Dahan dahan kong minulat ang mga mata ko at bumungad sa akin ang kisame ng kwarto ko rito sa loob ng Mansion. Mariin akong napakunot ng noo at maingat na bumangon. Sapo ang noo ay nilibot ko ang paningin sa kabuuan ng kwarto ko.

What just happened?

Tanong ko sa sarili at tumayo. Pinatay ko muna ang aircon atsaka lumabas. Naglakad ako pababa sa hagdan nang makarinig ako ng iilang ingay at tawanan. Looks like may bisita sa baba miski sila Mom at Dad ay nakikipagkuwentuhan.

"Inang Sierra mahinang nilalang. Nahimatay ang tukmol. Tsk tsk!" Pang uuyam na turan ng kung sinong poncio pilato man iyon ngunit sa boses palang niya na napakapamilyar na sa akin ay kilala ko na kung sino sa mga tukmol kong kumare iyon.

Mas lalong kumunot ang noo ko dahil doon. Ano ang ginagawa ng kumag na 'yan dito? Wala pang isang taon nang magpalamig siya. Masyado namang maaga?

Tuluyan na akong nakababa at sumalubong sa akin ang mga pigura ng magulang ko, Ni Eula at ang anak naming si Tiara na katabi si Ninong na nakikipaglaro ng jackstone kay Yanna.

"Mama!" Agad na sigaw ni Tiara na siyang unang nakakita sa akin at maagap na sinunggaban ako nito ng yakap.

Sinuklian ko naman ito ng yakap at balak ko sanang kargahin siya ng sinaway ako nito. "You can't carry me Mama. Your stitch might buka." Conyo niyang turan kaya mahina akong napatawa ay hinalikan na lamang siya sa pisnge na kinabungisngis nito.

"Oh tukmol nandiyan ka na pala. Napakahina mo namang nilala nahimatay nang malaman na buntis si Miss Miranda. Sino ang ina?" Walang lingon na tanong ni Yanna at nakapokus ang atensyon sa bola na pinapatalbog niya.

Hindi ako umimik at mataman na tinitigan siya. Alam kong ramdam niyang nakatingin ako sa kaniya kaya napahinto ito sa ginagawa at hindi nasalo ang bola at tumalbog iyon sa kabilang dako. "Naneto ni Sierra titig na titig namiss mo ba kagandahan ko?! Natalo tuloy ako!" Reklamo nito at sinamaan ako ng tingin pero tinaasan ko lang siya ng kilay kaya natutop ito sa kinauupuan niya.

Lumapit ako sa kanila habang hawak sa kamay si Tiara at umupo sa tabi ni Eula na kanina pa tahimik at tila malalim ang iniisip. "Ano ang ginagawa mo rito?" Malamig kong tanong kay Yanna at pasimple ko namang nilagay ang isang kamay ko sa may bewang ni Eula at hindi naman ito nagreklamo.

"Are you alright?" Bulong ko sa kaniya ngunit tumango lang ito at sumandal na lamang sa may balikat ko.

"Nandito ako kasi nandito ako." Tarantado niyang sagot kaya naman pinukulan ko siya ulit ng masamang tingin.

Wala pa ring pinagbago. Kumag pa rin kahit kailan.

"One." Pagbibilang ko.

She knows what will happen if I starts to count.

"Two. 'Kala mo ha! Naglevel up na ako I know how to count para kang si Demonyita na mahilig magbilang 'di naman maalam bilangin kung nakakailang rounds kami." Dahil sa sinabi niya ay binato ko ito ng throw pillow at saktong sapul na sapul iyon sa pagmumukha niya at mabuti nalang ay contact lens ang suot nito at hindi eyeglasses.

"Your Word Vallega nandito ang anak ko." Madiin kong ani sa kaniya.

Tila nagulat naman ito sa sinabi ko. "Hala gago may anak k—?!" Hindi ko na pinatapos ang sinasabi niya nang nagmadali akong lapitan ang direksyon nito at mabilis na tinampal ang bibig.

Mabuti nalang ay may headset na suot si Tiara dahil manunuod ata siya ng We bare bears habang sakto naman na nag-inat ng kamay si Eula kaya hindi siya bumagsak sa balikat ko. "Your Mouth Vallega isa! Gladly Tiara didn't hear that! Anong klaseng Tita ka?!" Rebat ko sa kaniya at mata sa mata ko siya tiningnan.

Her addictionWhere stories live. Discover now