CHAPTER : THIRTY - SEVEN

5.1K 161 13
                                    

Eula

May ngiting nakapaskil sa mga labi ko nang bumaba ako sa sasakyan. Galing ako sa bahay nila Ivory para manood at makilala ang mga magulang niya. She finally introduced me as her girlfriend to her parents and I'm glad that they accepted me.

Kaya ito ako ngayon hindi mapugto ang ngiti sa labi. The feeling is so overwhelming the fact that her family is an open minded.

Pagpasok ko sa loob ay nasa bukana palang ako ng pintuan nang salubungin ako ng nakakunot na noo na si Lolo. He seems mad and furious.

"Hi Lo—" He cut me off.

"Break up with her." Madiin at may maawtoridad niyang saad.

Natigilan ako at napatingin sa kaniya na tila nagtatanong kung ano ang tinutukoy niya. "Wala nang paligoy ligoy pa Selene. Hiwalayan mo ang anak ni Stanley." Paguulit niya atsaka ito dahan dahang lumapit sa akin.

"But Lo..." Magpoprotesta na sana ako nang tingnan niya ako ng matalim.

He's never been like this before.

"Do what I say Selene!" Tumaas ang boses niya na siyang kinapitlag ko at nang mapansin niya ang reaksyon ko ay agad itong huminahon.

"Do it or else... I'll do everything just to ruin her, Apo." Puno nang pagbabanta niyang turan sa akin at balak na sana niya akong talikuran nang pigilan ko siya.

"But I love her Lolo! I can't do th—!"

"Yes you can!" Sigaw niyang pabalik sa akin.

"Don't be a stubborn Selene! Sundin mo nalang ang inuutos ko kung ayaw mong samain sa akin ang batang 'yon." Huminto siya nang hindi lumilingon sa akin.

"You choose, apo. Mawawalan ka ng mana at karapatan sa lahat ng ari arian na maiiwan ko kapag pinili mong ipaglaban ang batang 'yon o iwan mo ang batang 'yon kung ayaw mong sirain ko ang kinabukasan niya." Makamandag niyang litanya.

Napaiyak ako dahil hindi ko kayang iwan si Ivory. She's all I have right now. The one who makes my day lighten and the one who makes my heart beating. Sa loob ng ilang araw namin na magkarelasyon ay siyang pagusbong ng pagmamahal ko para sa kaniya.

Kaya mahirap ang pinapagawa ni Lolo sa akin.

He's taking my life away which is Ivory.

"Gan'to nalang ba palagi Lo? Ang sundin lahat ng gusto mo? Simula't sapul sinusunod ko naman ang kagustuhan niyo. Gusto ko maging  guro pero ano ang ginawa mo? You forced me to take tourism instead education kasi nga gusto mong may magmamana ng kompanyang matagal mo nang ipinundar dahil una palang balak mong ibigay iyon kay Lola pero ano ginawa niya? She left you dahil sa ugali mo—" Naputol ang mahaba kong litanya nang ihampas ni Lolo ang baston niya sa may pader kaya napapitlag ako doon.

"Just do what I say Selene and stop bringing that woman again! Sa susunod na linggo aalis ka ng bansa patungo sa Maldives at para ikasal ka sa anak ni Severino na si William. Sa ayaw man o sa gusto mo!" Malakas niyang saad bago ako iwan na luhaan sa mag bukana ng pintuan.

Napaluhod ako dahil sa panghihina. Si ivory nalang ang meron ako, tanging siya lang ang kasiyahan ko at ngayon...

Pinagdadamot na sa akin ni Lolo.

Hinugot ko mula sa bulsa ang phone ko at pinagmasdan ang litrato naming dalawa kung saan nasandal ako sa balikat niya habang tahimik na pinagmamasdan ang papalubog na araw. Mas napahagulgol ako dahil sa iisiping mawawala sa akin si Ivory ay parang unti unting mawawala ang isang bahagi ng katawan ko na tanging siya lang ang makakumpleto.

I'm so sorry, Luv.

-----

"What's wrong Luv?" Napapunas ako ng pisnge nang tumabi sa akin si Ivory. Amoy palang niya ay alam ko na agad.

Her addictionWhere stories live. Discover now