CHAPTER : THIRTY - FIVE

4.9K 166 9
                                    

Selene

Five years ago...

"Geez Selene make it fast! We will be late for our first class!" Rinig kong sigaw ni Felicity sa may labas ng kwarto ko.

"Can't you wait?! Hindi ko naman alam na maaga mo akong bubulabugin sa pamamahay namin!" Sigaw kong pabalik sa kaniya at mabilis na sinuot ang coat ko.

I looked myself in the mirror and just apply some light make up, I smile showing my teeth and I am ready to go.

Unang araw namin bilang isang student teacher ng Allister Senior High School. Lahat kami ay unang araw doon. Ako lang dapat ang magtuturo sa school na hinahawakan ni Dad pero hindi ko alam kung bakit pati ang tatlo kong kaibigan ay nakisama sa akin.

Are they perhaps up to something?

Whatever it is. I don't give a damn.

Kinuha ko na ang shoulder bag na gagamitin ko kasama ang laptop ko sa loob nu'n. Hindi ko rin kinalimutan kunin ang susi ng sasakyan na gagamitin ko. Alam ko rin naman na kaya nandito ngayon su Felicity ay para makisabay sa akin.

Gagawin pa niya akong service niya. The nerve, kung hindi ko lang kaibigan 'yan matagal ko na sanang tinakwil.

Pagkababa ko ng kwarto ay bumungad sa akin ang pagmumukha nilang tatlo na gaya ko ay nakasuot rin ng uniform na para sa aming mga student teachers.

"Ginagawa niyo rito?" Kunot noong tanong ko sa kanila.

"Hi Selene! Good Morning." Nakangiting bati ni Ava sa akin habang may wheat bread sa kamay nito.

Si Almira naman ay nakaupo sa couch habang hawak ang iPad nito. At si Felicity naman ay nasa tabi ni Ava, parehas may kinakain.

I rolled my eyes on them and put my bag on the couch besides Almira. Kumuha ako ng tinapay sa may counter table na nakalagay sa tray. "Ano kailangan niyo at nandito kayo sa pamamahay namin?" Tanong ko at kumagat sa tinapay.

"Makikisabay/papahatid." Sabay sabay nilang turan kaya inikutan ko sila ulit ng mata.

"Wala ba kayong mga sasakyan o service? P'wede naman kayo magtaxi!" Ungot ko.

"Coding 'yong kotse ko." Sagot ni Felicity.

"Edi magtaxi ka!"

"Ayaw, magastos." She replied and rolled her eyes on me and went back to her food.

Tumingin naman ako kay Ava at tumingin ito pabalik sa akin. Bubuka palang ang bibig ko nang agad itong sumagot sa akin. "Nasa talyer kotse ko tapos Mahal magtaxi."

Napabuga naman ako ng hininga at panghuling tiningnan si Almira. Binaba nito ang iPad at inangat ang tingin sa akin. "Wanted sasakyan ko ngayon."

"The hell?! Future attorney ka tapos mawawanted sasakyan mo?!" Halatang inis na inis na talaga ako.

Hindi naman sa nagrereklamo ako pero kasi akala mo naman mga taghirap na hindi afford ang magtaxi.

"Nagoverspeed limit ako kakahabol sa kotse ni Isla. Nagparty ba naman na madaming babae ang kasama." Asar niyang turan at napaismid.

Bumuntong hininga naman ako at inubos ang tinapay atsaka tumayo na ulit. "Teka Selene may kape ba kayo? Amoy kape eh." Pigil sa akin ni Felicity.

"Gaga amoy niya 'yon. Ikaw nga amoy bubblegum nagtanong ba kami?" Rebat sa kaniya ni Ava.

"Eh ikaw ngang amoy lavender nagtanong ba kami kung may lavender kami?" Balik na rebat ng huli kay Ava.

"Stop it guys. Para kayong mga bata. Tatanda niyo na." Saway sa kanila ni Almira at tumayo na rin. Isinilid nito sa bag ang iPad at nauna nang lumabas kaya naman ay sumunod ako rito.

Her addictionWhere stories live. Discover now