CHAPTER : THIRTY - TWO

4.5K 164 12
                                    

Sierra

Paulit ulit kong pinipindot ang call button dahil anong oras na wala pa si Yanna. Ang sabi niya bibili lang siya ng yakult sa labas. I stopped her but she insisted because she's craving sa yakult.

Damn it!

This is my fifteenth call and still she's not answering her fvcking phone!

Tumingin ako sa oras at halos isang oras na simula nang magpaalam siya sa akin na lalabas. May kalayuan ang convenience store na mapagbibilhan dito pero mabilis lang 'yon puntahan dahil gabi na at p'wedeng lakarin lang.

Sinubukan ko ring i-track ang hikaw na suot nito na may built-in ng tracking device pero still wala akong makuhang signal!

Napahilamos ako ng palad sa mukha at pilit isinasawalang bahala na walang nangyaring masama sa kaniya. I know Yanna, she can do self defense pero kung baril at espada ang usapan wala siyang palag doon.

Tinawagan ko si Fidel para magtanong kung ano ang kaganapan sa loob ng palasyo. Wala na rin naman siya doon ngunit alam kong may mata siya sa loob.

"Fidel." Tawag ko sa kaniya nang masagot niya ito.

"Si, Su alteza real?"

"Information? Inside the palace." Malamig kong tanong habang pabalik balik ang tingin sa orasan dahil bawat takbo nito ay siyang kabang umuusbong sa akin.

Damn it Yanna! Sinasabi ko sa'yo. You better be safe from where you are right now.

"Everything is fine, Your Highness. Severino is in his bedroom having his nap. The Royal Guards are busy guarding the palace. The servants are busy doing their chores. But there is one royal guard who is not around."

That one intrigued me.

"What? Do you know where that royal guard is?" I asked, slightly gritting my teeth.

"I don't know, Your Highness. But from what I've heard, Severino order him to do some business." He explained.

Napakuyom naman ako ng kamao at mariing ipinikit ang mga mata atsaka huminga ng malalim.

Tumingin ako sa orasan ng blangko atsaka ito pinukol sa gamit ni Yanna na nakalagay sa may Vanity mirror.

"Know that business, Fidel. My friend is missing right now. I can't contact her phone even her tracking device, I can't locate her location. Do it faster. I'll be waiting." Malamig kong turan sa kaniya atsaka ibinaba ang phone ko.

Tumayo ako at lumapit sa may isang maleta ko. Binuksan ko iyon at bumungad sa akin ang iba't ibang klase ng baril at armas na p'wede kong magagamit sa ganitong mga oras.

Wala na akong pake kong madudungisan ang kamay at damit ko pero kung mahal ko sa buhay ang usapan wala na akong sinasanto.

Masyado mang-over reaction ang ginagawa ko dahil isang oras pa lang naman hindi bumabalik si Yanna ngunit knowing that old man, alam kong may kinalaman na siya.

Instinct is always right ika nga nila.

Saktong makuha ko na iilang kailangan ko ay saka naman tumunog muli ang phone ko kaya kinuha ko iyon sa may paanan ng kama at sinagot ng hindi tinitingnan ang caller.

"Hello?"

"....."

Kumunot ang noo ko nang walang sumagot sa kabilang linya kaya tiningnan ko kung sino ang caller pero unknown number ito.

"Hello?" Tawag ko muli sa kabila.

"M-mare... Ampff!" Napahigpit ang hawak ko sa phone ko at napapikit ng mata nang marinig ko kung paano latiguhin si Yanna at ang daing nito.

Her addictionحيث تعيش القصص. اكتشف الآن