CHAPTER : TWENTY - NINE

5.8K 191 34
                                    

Sierra

Nakahalukipkip akong nakaupo habang pinapalibutan ng dalawang kumag at matamang nakatingin sa akin. May mga ngisi ring nakapaskil sa kanilang mga nakakabwisit na labi.
"Ehem! Ehem! Ano 'yong nangyari daw kagabi? Hindi ka na raw virgin?"

Umasim ang mukha ko dahil sa tanong ni Eleanor at agad siyang hinampas ng panyong dala ko. Napadaing siya sa sakit at hinimas ang katawang natamaan ng panyo ko.

"Aray ha! Nagtatanong lang naman kasi sabi ng Avabibi ko pinaungol mo daw si Miss Mi—" Hindi ko pinatapos ang sasabihin niyang nang salpakan ko ng tissue ang bunganga nito.

Tangina 'yan nasa loob kami ng cafeteria at maraming estudyante rito ta's ang bunganga niya wala man lang kafilter filter. Buti nalang at wala si Yanna rito baka dumagdag pa 'yon sa dalawa na walang ginawa kundi ang mang asar lang.

"Ayan kasi Mare tumahimik ka na kung ano ano sinasabi mo pero Matanong nga Mareng Sierra ilang inches ba 'yang talong mo?" Inosenteng tanong ni Isla kaya sumama lalo ang timpla ng mukha ko.

Nabibilaukan na natatawa si Eleanor at tinatanggal isa isa ang tissueng sinalpak ko sa bunganga niya.

"Shut up Vara." Wala sa mood kong sagot sa kaniya at sinamaan siya ng tingin kaya umiwas siya ng mata.

Sumipol sipol pa ito kaya pansin ko na may iilang estudyante ang nakatingin sa amin. "Nagtatanong lang naman. Curious lang ako eh. Pero ilan tala—" Dahil sa kabwisitan ko na rin sa bunganga niya ay sinalpakan ko na ng isang buong burger na kabibili ko lang ngayon.

At ito nga pagkaupong pagkaupo ko ay agad nila akong kinorner at hindi ko kinekeri ang mga tanungan nila na akala mo mga hindi nadidiligan eh.

"Napaka ano nito ni Mareng Sierra nagtatanong lang kasi base sa sinabi ni Miss Montemayor napaungol daw si Miss Miranda." Bahagyang lumapit siya sa akin at bumulong.

Namumuro na siya kaya tumayo ako at dinakma ang leeg niya atsaka ito sinakal pero hindi naman mahigpit tamang maghihingalo na siya dahil bwisit! Wala na silang ginawa kundi bwisitin ako simula't sapul palang.

"A-argh h-help Isla!" Hingi niyang tulonga kay Isla na pinipigilan ang kamay kong sakal sakal si Eleanor.

"Hoy Malamig grabe ka na naman sa kumare natin. Awa— Hoy!" Natataranta niyang sigaw nang makitang namumula na ang mukha ni Eleanor.

Ngumisi ako. Lalakas niyo mang asar ah.

Nakarinig naman ako ng mga iilang bulung bulungan sa paligid.

"Ito talagang mga grupo na 'to. Magaganda, matatalino pero minsan may saltik din talaga."

"Kawawa naman si Eleanor kay Vice tsk tsk!"

"Vice ako din choke me!"

"Bebe Eleanor ko kinakawawa na naman haist."

"Anla nanakal pala si Vice? Kaya pala maraming natatakot diyan eh pero bet Mommy Sierra pakasal na tayo I mean pasakal din!"

"Shuta Sierra tama na 'yan maawa ka sa kumare natin na nauubusan na ng hininga." Awat ni Isla at p'wersahan na kinuha ang isang kamay ko sa may leeg ni Eleanor.

Binitawan ko naman na 'yon nang makitang mauubusan na nga siya ng hininga.

"H-haaa... T-tanginang Elsa 'to hindi m-mabiro." Ani ni Eleanor at napainom ng tubig.

Bigla naman humupa ang kaingayan ng cafeteria nang may pumasok. Dahil sa awra na dala ng mga ito ay napapatahimik ang mga tao. Sa tunog ng mga takong nilang rinig na rinig sa kasulukan ng Cafeteria.

Her addictionWhere stories live. Discover now