Chapter 27: The first girl who broke his heart

3.3K 43 3
                                    

**3rd Person POV

Naka-upo silang dalawa sa damuhan. Nasa park sila ngayon na malapit sa bahay ni Riya.

"Ang ganda ng mga stars no?" sambit ni Lance habang aliw aliw na pinagmamasdan ang langit.

"Oo nga. Ang kinang nila." nakangiting sagot sagot naman ni Riya. Humiga si Lance sa damuhan at inilagay ang kamay sa ilalim ng ulo niya.

"Cahriya..." tawag niya dito

"Hmmm?"

"Higa ka muna sa tabi ko. May sasabihin ako." At kahit na nag-aalangan ay ginawa ito ni Riya.

"O? Anong sasabihin mo?" tanong nito.

"Uhmm...Cahriya Monique KO...I want to officially and seriously court you." seryosong sabi ni Lance pero diretso pa rin ang tingin niya sa langit. Napatingin naman bigla si Riya sa kanya. Nag-iisip siya kung magandang balita ba yun? Maganda nga dahil yun naman ang plano niya. Ang paasahin si Lance.

Masama naman dahil alam niya sa sarili niya na masasaktan lang niya si Lance. Lalo pa ngayon na unti-unti itong nagbabago ng dahil sakanya. Pero hindi ba't iyon naman talaga ang plano? Ang paasahin siya..

"Kahit na alam mong kaibigan ko ang ex mo?" biglang tanong ni Riya. Tumagilid ng pwesto si Lance para harapan si Riya. Muli nanamang nag-unahan ang kabog sa dibdib ni Riya. Hindi siya makahinga. This beats of her heart is suffocating her.

"Bakit kailangan ko pang pagbasihan yun? Kung ikaw talaga ang ginusto ng puso ko?" sincerity. Yun ang nakita ni Riya sa mga mata ni Lance. Isa lang ang ibig sabihin nito. Nahulog na ito sa kanya. Nahulog na ito sa patibong niya.

"Sigurado ka ba? Baka naman isa yan sa mga matatamis na salitang sinasabi mo sa mga pinaglalaruan mo?"

"It's been 6 years since nung huli akong naging sincere sa isang babae. Mula noon hindi na ako nag-aksaya pa ng panahon at laway na magsabi ng ganun. Ngayon nalang ulit. Magmula ng patayuin mo lahat ng balahibo ko dahil sa katapangan mo."

Natawa naman ng mahina si Riya.

"Yun ba? Natakot ka pala dun. Pero ano nga yung sabi mo? 6 years? Teka...ilang taon ka na ba?" tanong niya.

"19."

Napa-isip si Riya at napabilang ng biglang manlaki ang mga mata niya.

"13 years old??? At that age may sinabihan ka na ng mga sweet words na ganon?" gulat na gulat na sambit niya.

"Oo. Maaga akong lumandi. Pero ano bang magagawa ko? Na-in love ako e." walang ganang sabi sagot ni Lance.

"Grabe. Who's the lucky girl?" napa-upo bigla si Riya at naging interesado sa buhay ni Lance. Tinignan niya muna ito bago nagsalita.

"She's someone you don't know."

"What happened ba? Please tell me. I want to know everything about you." pamimilit ni Riya sa kanya. Napa-upo na rin si Lance.

"Ok. But please tell me if I do have a chance on you?"

Sandaling napa-isip si Riya sa tanong ni Lance. Ano nga ba ang dapat niyang isagot?

"Sure there is. I swear."

Napa-ngiti naman si Lance at sinimulan na ang kwento niya.

"Six years ago, nakatira pa kami sa Spain nung mga panahong yun. Kaibigan ko na si Jaron that time at pati na rin si Themarie. Themarie was a gorgeous young lady. Madaming nagkakagusto sa kanya dahil sa sobrang ganda at sobrang bait pa niya. Everybody loves her. Even me. I loved her so much. I even planned to tell her what I feel for her but then Darius came. He is my senior. He's a tough one. Pero kahit ganun naging magkaibigan din kami. Tinuruan niya ako kung paano lumaban at kung paano maging malakas. Kaya lang sa kabila ng lahat ng yun. May hihilingin pala siyang kapalit." kahit matagal ng nakalipas ang panahong yun ay halata pa rin sa kanya na malungkot siya dahil sa nangyari.

"Ano naman yung kapalit na yun?" tanong ni Riya na taimtim na nakikinig sa kwento ni Lance.

"Ilakad ko siya kay Themarie." nakayukong sagot niya. Nagulat naman si Riya.

"E ang kapal naman pala ng mukha nung Darius na yun e!" inis na sabi ni Riya na para bang any minute ay manunugod na.

"It's not what you think Cahriya. Hindi nila alam na gusto ko si Themarie. Si Jaron lang ang nakaka-alam ng lahat. Kaya ng wala na akong nagawa. Pumayag ako sa gusto niya. Hindi rin naman ako nahirapan na paglapitin sila dahil meron ding gusto si Themarie kay Darius. Kaya hinayaan ko nalang sila. Pagtapos nun, napagkasunduan nalang namin ni Jaron na umuwi ako ng Pilipinas para malayo nalang sakanila.."

Sandaling napa-isip si Riya. Kung ganun, yun pala? Yun pala yung dahilan kung bakit hindi na niya magawang magseryoso ng babae. Dahil minsan na siyang nasaktan at ayaw nalang niyang maulit yun. Kahit papano naiintindihan ko na siya. It is because of the first girl who broke his heart. Nasabi ni Riya sa isip niya.

"Sige pasok ka na. Uwi na rin ako." nakangiting sabi ni Lance kay Riya ng maihatid na niya ito sa bahay niya.

"Sige. Good night. Ingat ka."

"Wala bang kiss?" pahabol pa ni Lance.

"Saka na. Pag sinagot na kita." nakangiting sagot ni Riya atsaka na siya pumasok sa bahay niya.

**Cahriya's POV

Ngayon ko lang siya nakausap ng ganun. Ngayon lang kami nakapag-kwentuhan. At ang saya sa pakiramdam. Feeling ko nabago ang lahat sa amin ni Lance. Siguro ngayon dapat sarili ko na yung sundin ko. Dapat ko na sigurong kalimutan yung balak kong pananakit sa kanya. Dahil kaya lang naman siya naging ganun ay dahil nasaktan din siya. At hindi ko na dapat pang ulitin yun sa kanya.

Kung iniisip niyo na paano na si Ziri? Bahala na siguro siya. Ano pa bang saysay ng paghihiganti ko kung ang taong pinaghihiganti ko ay tinakwil na ako? Pipiliin ko nalang maging masaya. Kesa makasakit pa ng iba.

Nico calling....

"Hello Nico?"

"Riya..pumunta ka dito sa place natin. Ngayon na."

"At anong karapatan mong utusan ako??"

"Riya! Mamaya na yang kamalditahan mo. Nandito si Ziri ngayon. Ready na siyang makipag-usap sayo."

** 3rd Person POV

At the airport.

Isang grupo ng nagwa-gwapuhan kalalakihan ang sabay-sabay na dumating sa NAIA. Lahat ng mga taong naroroon ay napapatingin sa kanila. Kulang nalang ay maglaway ang mga babae at binabae samantalang napapa-kunot naman ng noo ang mga lalaki.

"So this is the Philippines? Oh I think this place is a great place to enjoy.." sabi ng isa sa kanila.

"We're not here to enjoy the place Xandre. We're here for a cause."

"What cause?"

"We're going to visit our old friend. Kier Lance Chua."

Loved By A Gangster (Published Under LIB)Where stories live. Discover now