Chapter 6: Once Soltero

7.3K 100 12
                                    


**Lance's POV

Simula nung pangyayari kagabi dito sa bahay ko, hindi na ako pinatulog nung babaeng yun. Palagi ko nalang naalala yung sinabi niya. Madami ng nagsabi sakin ng ganun pero sa kanya lang ako kinilabutan ng husto. Parang yung pagka-kasabi niya kasi nun yung parang talagang mangyayari. Yung para bang biglang may lilitaw na demonyo sa harap ko at kukunin ako dahil sa lakas ng kilabot na dala niya! Ewan ko ba!

Pero isa pang pinagtataka ko ay kung bakit sila magkasama ni Jaron? At KJ pa ang tawag sa kanya nung babaeng yun ah. What's that? Some kind of endearment? Psh. That Sucks!

"Mr. Chua! Lutang nanaman ang isip mo. Try mong makinig muna sa discussion ko." biglang nagsalita yung professor sa harap. But who cares?

"Edi magdiscuss ka. Bakit? Nakaka-interupt ba ako sa discussion mo? Hindi naman diba?"

"You bastard! Get out of this room!" sigaw niya. Ok? Ano bang ginawa ko sa kanya? Tss..mga matatanda nga naman.

"Sabi mo e." tumayo ako sa upuan ko at lumabas na ng classroom. Bahala siya dun. Hindi niya naman ako mapapatalsik sa school na 'to.

Nagpunta muna ako sa field. Nag-sindi ako ng yosi at umupo sa gilid ng puno.

"Gagawin kong impyerno buhay mo Lance! Humanda ka! Gagantihan kita!" Leche talaga yan! Paulit-ulit nalang sa utak ko! Oo na! Gaganti kana kase! Psh!

"Badtrip ka ata Lance?" isang malanding boses ang narinig ko mula sa likuran ko.

Pagharap ko, si Leslie pala. Hindi ko na siya pinansin. Pumikit nalang ako at sumandal sa puno.

"Hey?Aren't you going to pansin me??" maarteng sabi nanaman niya.

Psh! I hate conyo! Tinignan ko siya. As in a death glare.

"Ano bang kailangan mo? Wala dito si Jaron, can't you see? So please. Leave me alone." naiinis na sabi ko sa kanya. Pero imbis na umalis ay umupo pa siya sa tabi ko. Nakaka-irita na 'tong isang 'to ah!

"Pero hindi si Jaron ang kailangan ko. Ikaw." para siyang ahas na pumulupot sa braso ko.

"What do you want?" iritableng tanong ko.

"You. Since then ikaw naman talaga ang gusto ko e. Nauna lang nanligaw si Jaron sa akin. Pero believe me, ikaw talaga ang gusto ko Lance." mas lalo niya pang idinikit ang katawan niya sakin. Oh tukso! Layuan mo ako!

"Ah talaga? E bakit mo siya sinagot? Kung talagang gusto mo ako,sana noong una palang ni-reject mo na siya." tinanggal ko ang pagkaka-kapit ng braso niya sa braso ko.

"Ginawa ko yun para mas mapalapit sayo." this time hinawakan niya yung kamay ko.

What I hate the most ? LIARS!

"So ginamit mo lang pala ang bestfriend ko para mapalapit sakin?" nakangising tanong ko. Nag-nod naman siya na para bang nagpapaawa pa.

"Pasensya na. Pero hindi ako pumapatol sa mga babaeng pinagsawaan na ng mga kaibigan ko." tumayo na ako at iniwan siya doon.

Yes,I'm a playboy. Pero never kong pinatulan ang mga naging ex-girlfriends ng mga kaibigan ko. Specially Jaron. Alam kong mahal na mahal niya yung Leslie na yun. Pero all this time, pinagti-tripan lang pala siya. Tss.. Kaya nga ba ayaw kong mag-seryoso ng babae e. Kung hindi mo sila paglalaruan. Ikaw naman ang paglalaruan nila.

Nagpunta ako sa Canteen at umupo sa paborito naming place ng buong gang. Ako palang mag-isa dahil on-going pa ang mga classes. E teka? Bakit andun si Leslie? Psh.. Who cares.

Loved By A Gangster (Published Under LIB)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora