Chapter 33: Promises are meant to be broken

2.6K 29 3
                                    

**Riya's POV

Mahal ko si Lance.Mahal na mahal ko na siya. Psh! Who am I kidding? Yes I love him but I can't be with him. I can't even have him. For real. Life is so cruel to me.

After my class lumabas na agad ako ng school. Ako nalang mag-isa ngayon. Unlike dati lagi kong kasama sila Nico at Ziri. Peste kasing plano na yan e. Sana pala hindi ko na sinabi yun kay Nico, hindi rin naman kami nagkabati ni Ziri ng maayos.

"Cahriya ko!"

Andito na siya. I'm sure nag-cut nanaman ng class 'tong mokong na 'to. Pero kahit papano naman nararamdaman ko yung pagbabago sa kanya. Ni wala na akong nababalitaan na may iba pa siyang girlfriend. Isang tawag ko lang nandito na agad siya. Lahat ng gusto ko ginagawa niya kahit alanganin. Gosh. Kung pwede lang na hindi ko na siya pakawalan para akin nalang siya forever.

"Oh? Ang aga mo ah!" masaya akong lumapit sa kanya at binigyan siya ng halik sa pisngi.

"Tumakas na ako dun sa last class ko. I can't stand to wait for another hour to see you.."

"Sira ulo ka talaga!" binatukan ko siya.

"Ouch! E ikaw kaya! Ikaw ang dahilan ng pagkasira ng ulo ko no!" sabi niya sa akin na para bang sinisisi niya pa ako dahil sira ulo siya. Actually sinisisi niya nga ako.

"Oh ganun ba? Then I think we should break na.." Gulat na gulat siya sa sinabi ko. Hindi siya agad naka-sagot..

"H-huh? Bakit?" naguguluhang tanong niya.

"Kasi hindi ko kayang ako ang magiging dahilan ng pagka-baliw mo at tapos nun mawawala ka sa akin.. Hindi ko kaya yun..Kaya mabuti pang tapusin na natin 'to kesa mangyari yun..."

"Cahriya ko...Ang corny mo."

"Ah ganun? O sige bahala ka dyan." umarte akong nagtatampo at magwo-walk out pero nahila niya agad yung braso ko at niyakap ako. Gosh. Ang daming nakatingin!

"Tsk! Wag ka ngang magwo-walk out. Alam mo namang mahal na mahal ko 'tong corny na 'to e."

"Lance bitiw na. Ang daming nakatingin."

"Hayaan mo sila. Let them know that you belong with me now. So that no one will dare steal you from me. Ok?"

And there he goes again. That stare. Stare that makes me melt...

"O-ok.."

"Slut talaga.."

"I know right!"

"Hindi siya nahiya. Pagtapos ng bestfriend niya, siya naman."

"Kung di nga lang gusto ng parents ko na dito ako mag-aaral aalis na talaga ako dito. Tignan mo nga yang nagpapalakad sa school natin. Kaladkarin."

"Then go. I don't need a gossip girl in my school." seryosong sabi ko sa kanila.

"Talaga! At sisiguraduhin naming mamumulubi ang school mo." matapang na sabi nung isa

"Tama! At sure din kaming iiwan ka din niyang si Lance. Kaya for sure, sira ang buhay mo!"

Wala na talagang takot ang mga estudyante sa akin ngayon magmula ng kumalat ang nangyari samin ni Ziri. Well,wala akong pakialam sa kanila. Kailangan na nilang makita ulit ang dating ako.

"Bago mangyari yun, sisirain ko muna pagmumukha niyo!" pasugod palang ako sa kanila ng hawakan ni Lance ang braso ko. At siya ang lumapit sakanila.

"Lance wait---"

Itinaas lang niya ang kanang kamay niya at naintindihan ko na. Siya na ang bahala.

"Baka nakakalimutan niyo nandito pa ako at naririnig ko yung mga pinagsasabi niyo sa girlfriend ko. Wala kayong karapatan na pagsalitaan siya ng ganyan. Dahil kung nakakalimutan ninyo,ang eskwelahan niya ang dahilan kung bakit mataas ang tingin ng ibang school sa inyo. Never kayong nagka-problema sa school na 'to. Tapos kung pagsalitaan niyo yung anak ng may-ari sa school na nagpapasikat sa inyo parang ang linis linis niyo. At isa pa, wala kayong karapatan na pagsalitaan siya ng ganyan. Wala kayong alam. Never ever said that bullshit again to her! Or else..You know what I'm gonna do to you... Now,I want you to kneel and beg for her forgiveness!" sigaw ni Lance sa kanila. Napa-atras ako sa pagsigaw na yun. Nakakatakot pala siya pag ganyan.. Pano ko kaya gagawin yung plano kung sa ganyan palang nakakatakot na siya? Pano kung ipa-salvage niya ako? Pano kung torturin ako ng buong gang niya? Tsk! Riya? Kelan ka pa natakot sa gangster na yan?

Loved By A Gangster (Published Under LIB)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora