Chapter 10: Guardian Angel?

5.8K 88 10
                                    


**Cahriya's POV

Loko 'tong kasama ni KJ ah? Hindi man lang inabot yung kamay ni Princess? Umbagan ko kaya to?

"Hoy KJ?" sinenyasan ko siyang lumapit sakin.

"Bakit?" tanong niya.

"Ba't ganun yung kasama mo? Nandidiri ba sa babae iyan kaya ayaw hawakan yung kamay ni Princess?" bulong ko sa kanya.

Natawa siya ng mahina. May nakakatawa ba sa sinabi ko?

"Amo, iyang si Clyde kase, exotic mga tipo niyan. May takot na sa mga magagandang babae kaya ilap siya."

"Pfffft----- Wahahahahahaha!" napahalakhak ako dun sa sinabi ni KJ! May mga lalaki palang takot sa magaganda? Hahahaha!

"May problema ba?" tanong ni Princess. Napansin niya siguro akong tumatawa. Actually,buong campus ata napansin? Psh. Wuteber.

"Wala Pincess." tumingin ako kay KJ.

"Pag yang kaibigan mo naka-close ko. Humanda ka sakin! Ibibitin kita ng upside down!" napalunok siya.

Akala naman niya nagbibiro ako ah? Kase pag 'to naka-close ko, ibig sabihin para sa kanya, pangit ako. Nilapitan ko siya at nginitian. Pero hindi pa ako nakakapag salita,yumuko na agad siya at sinabing...

"Riya,oo na. Maganda ka na. Lumayo ka na sa akin." Hahahaha!

"GOOD!" tsaka ko pinat ang ulo niya na parang aso. HAHA!

"Huh? Ate bakit?" nagtatakang tanong ni Princess. Ngumiti ako sa kanya at bumulong ulit.

"Takot yan sa maganda. Kaya niya hindi inabot yung kamay mo kanina kasi maganda ka. Kaya be proud!" nanlaki naman yung mata niya dahil dun sa sinabi ko. Hindi ata siya makapaniwala na maganda siya? Well, mas maganda parin naman ako eh. Diba?

"Ahh .. Amo,pwede kaba?"

Oo nga pala. May tinatanong nga pala si KJ. Eto naman kasing si Princess,epal e.

"Kelan ba iyan? Anong oras?" tanong ko.

"Mamayang 7 pm."

"Ah.. O sige. Basta wala akong gagastusin kahit singkong duling?" pasensya na kuripot ako eh. Ngumiti siya ng sobrang nakapag pa-cute sa kanya.

"Absolutely Amo. My treat."

"Ate,ano yun? May date kayo? Boyfriend mo?"

Kung hindi lang to kapatid ni Nico, kanina ko pa to pinitik palabas ng Carson. Lakas maka PBB teens.

"He's my pet. Not my boyfriend. And one thing, hindi kami magde-date. May gig siya mamaya,kaya inimbitahan niya akong manuod. Gusto mong sumama?"

Ngumiti siya ng malapad at tumango, "Basta ate,dapat kasama siya. Hihi" bulong niya. PBB teens din tong isang 'to.

"Oy! Clyde! Sama ka din!" sigaw ko sa kanya.

"Kasama talaga siya. Kaming dalawa ang vocalist ng banda ." sabat naman ni KJ.

"Yes!" biglang sambit ni Princess. At napansin ko namang napatingin si Clyde sa kanya. Tapos nakangiti pa sa siya, kaya lang agad din siyang yumuko. Baliw lang?

"Ok. Susunduin ko kayo mamayang 6 pm." masayang sabi ni KJ.

"K." naglakad na ako palayo. "Princess,tara na."

**Jaron's POV

Yes! Akala ko hindi ko siya mapapapayag. Sisiguraduhin kong magugustuhan niya ang performance namin mamaya.

Loved By A Gangster (Published Under LIB)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu