Chapter 7: Butterflies

6.4K 93 6
                                    


**Jaron's POV

"RIYA!!!!!!WAG YANG DRUMSET KO PLEASE!!!!!"

Nagmamadali akong umakyat papunta sa studio ko. At doon ko dinatnan si Riya at ang......d-drumset k-ko....

Why oh why? Bakit sa lahat ng pwedeng pagbuntunan ng galit yung drums ko pa? Bakit? BAKIT?

Dahan dahan akong lumapit sa drums ko. Halos manlumo ako sa nakita ko... Putol ang mga drumsticks ko... Butas ang drums ko.. Basag-basag ang lahat..

"A-ang d-drums ko! A-anong nangyari dito? Bakit ito pa Riya? Ang daming pwedeng basagin diyan. Sana mukha ko nalang binasag mo.." nakaluhod ako ngayon sa tapat ng drums ko at hinahawakan ang bawat parteng sinira niya. Wala na ang pinakamamahal kong drumset..

"Don't worry. Papalitan ko nalang iyan ng mas magara pa." nakangiti pa siya habang sinasabi yun. Habang ako, nagluluksa sa nangyari sa pinakamamahal kong drumset..

"Isang taon kong pinagtrabahuhan ang pambili ko sa drumset na 'to. Naging crew ako sa jollibee, naging waiter sa restaurant at naging dishwasher sa KFC. Pinag-ipunan ko ang pinambili ko dito, pinaghirapan ko." hindi ko siya tinitignan. Nakatuon lang ang pansin ko sa drums ko.

"Ah ganun ba? Anong gagawin ko?" walang kagana-ganang sagot niya. Hindi ko siya sinagot. Nakatingin lang ako sa sahig. At anytime, feeling ko, papatak na mga luha ko. Sabihan niyo na akong bakla pero talagang ganito ako. Pag pinaghirapan ko,mahalaga talaga sakin.

"Drama mo! Tayo ka na nga dyan!" hinila niya yung kamay ko at pinilit akong itayo pero nanlulumo talaga ako.

"Drums ko...."

**Riya's POV

Parang ewan lang talaga siya. What's the big deal? Drums lang yun. Duh? "Hoy? Di ka talaga tatayo dyan? " inis na inis na ako sa kanya. Para siyang bata! Umiling lang siya at tumungo na parang sinasaniban. =____=

"Kukutusan kita KJ! Umayos ka nga!" binatukan ko siya atsaka ko siya hinila ulit.

"Bakit kashi nyung drumsh kho pba.." ano daw? alien language? Loko itong lalaking 'to! Ako ang amo niya ah? Dapat ako yung gumaganito ngayon kasi ako yung galit, ako yung hinarass, ako yung sinamantala, ako na! AKO NA TALAGA!

"Hoy! Ihatid mo na nga ako sa bahay!" hila-hila ko parin ang braso niya. Bale hila ko na siya ngayon palabas ng studio niya na parang basahan na pinangkukuskos sa sahig. HAHAHAHA

"Ang bigat mo KJ! Tumayo kana kase! Wag kang parang bata diyan! Hindi bagay sayo!" binitawan ko siya kaya naman natumba siya at nauntog.

"Aray!" sapo niya ang noo niya ngayon, "Bakit ba kasi nangungulit ka pa? Hayaan mo nalang nga ako dito! Pinagluluksa ko pa ang drumset kong sinira mo!"

"Sinisigawan mo ako?? " inungusan ko siya kaya naman napa-atras siya at na-out of balance. Bakit kaya ang malas malas ng lalaking to? "Ok ka lang?" tanong ko.

"Oo. Ok na ok! Ginawa mo akong pet, inutusan ng kung anu-ano, SINIRA MO DRUMS KO, NAUNTOG PA AKO,NGAYON NATUMBA NAMAN AKO. MUKHA NA AKONG TANGA NA SUMUSUNOD SA KAHIT ANONG IUTOS MO! NAGING MISERABLE BUHAY KO! KAYA OK LANG AKO RIYA. OK NA OK LANG!" nanlalaki pa mata niya sakin habang sinsabi yun. Hmm..Ok? So ganunan nalang pala.

"Ah ganun ba? Kasalanan ko pa pala? Sige aalis na ako. Hatid mo nalang yung kotse ko bukas." bumaba na ako sa hagdan.

"Hey! Hey! Wait up!" narinig ko siyang bumababa din sa hagdan at nakasunod sakin.

"Oh ba-----"

Nanlaki ang mga mata ko. 1 inch. 1 inch nalang ang layo ng mukha niya sa mukha ko. Napalunok ako. Palapit siya ng palapit. Ang init ng tenga ko! Yung tiyan ko! Bakit parang may something na lumilipad sa loob?? Bakit ganun! Kusang pumikit yung mga mata ko. Nararamdaman ko na yung hininga niya malapit sa mukha ko. Shet! Kinakabahan ako! Ang bilis ng tibok ng puso ko! Eto na ba yung first k----- Peste! Hindi na pala ito ang first kiss ko! Dumilat ako bigla at napa-atras.

Loved By A Gangster (Published Under LIB)Where stories live. Discover now