Chapter 31 : My Decision Is FINAL

2.6K 32 2
                                    

** 3rd Person's POV

"Please stay away from that guy." paki-usap ni Lance kay Riya. Naguguluhan si Riya ngayon. Hindi niya alam kung pano sila nagkakilala ni Stefan, hindi niya alam kung bakit niya hinihiling na layuan niya ito...

"Bakit? Masama ba siyang tao? Tingin ko hindi naman. Siya yung tumulong sa akin kaya wala akong nakikitang dahilan para layuan siya."

Tumingin ng diretso si Lance sa kanya.

"Cahriya, it's not ok for me to see you with another guy. Please stay away from him. From any other guy." muling paki-usap niya.

"Even KJ?" tanong ni Riya. Natigilan si Lance sa tinuran ni Riya.

"N-no. Well Jaron is your friend. And also mine. So it's ok to be with him as long as he's not crossing the boundary."

--

Buong maghapong magkasama si Lance at Riya sa loob ng bahay. Binabantayang mabuti ni Lance si Riya dahil na rin sa kundisyon nito. Pilit mang magpigil ay hindi talaga maiwaksi ni Lance sa isip niya ang nangyari kanina lang. Ang pagdating ni Stefan. Ang dami niyang tanong sa isip niya. Pero pinili nalang niyang wag munang guluhin ang isip niya ngayon. Ang mas mahalaga ngayon ay ang Cahriya niya.

"Lance, do you really love me?" biglang tanong ni Riya. Nakahiga siya ngayon sa kama niya habang si Lance naman ay naka-upo sa tabi niya.

"Why suddenly ask? Of course I love you." nakangiting sagot ni Lance.

"Then, gagawin mo lahat ng gusto ko?" seryosong tanong ni Riya.

"Yes. Even if I can't. I will."

"Please don't make yourself fall that deep for me."

"Why are you saying this?" Lance asked.

"Co'z you might be drown. And I may not be there to help you when that time comes."

Napatingin si Lance kay Riya ng taimtim. Pilit niyang binabasa ang isip nito pero blangko lang ang expression ng mukha ni Riya.

"Cahriya, hindi kita maintindihan."

"Please just do it. Do what I've said. It's all for you." sincerely she said.

"How can I promise to do that If everytime I see you, everytime I talk to you, always makes me fall deeper and deeper."

Riya closed her eyes and sigh deeply. When she opened her eyes again Lance was infront of her. About a half inch to her.

"May I have the permission to kiss you?" Riya was frozen. Hindi siya makagalaw sa pagkakahiga niya. Gusto niyang tumayo pero naninigas ang buong katawan niya.

"If silence means yes. I think maybe your answer is yes."

At hinalikan na nga niya ito. Isang napakatamis at punong-puno ng pagmamahal na halik ang ibinigay ni Lance sa kanya. Napapikit siya. At naluha. Hindi siya galit kaya tumutulo ang luha niya. Dahil ito sa konsensya at lungkot na nararamdaman niya. Mahal siya ni Lance pero masasaktan lang ito sa kanya. Ayaw niyang sayangin ang pagmamahal ni Lance pero kailangan para matapos na ang lahat.

Napatigil siya ng maramdaman niya ang kamay nito sa tagiliran niya at dahan-dahang hinihimas ito. Bigla siyang napahiwalay kay Lance at napa-upo.

"Tama na. Hindi na dapat tayo umabot pa dun..." nakayukong sabi ni Riya. Tila natauhan naman si Lance sa ginawa niya.

"Right. I'm sorry. Nadala lang ako."

-----------

Awkward ang atmosphere ngayon sa bahay ni Riya. Dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin dumadating ang katulong niya kaya silang dalawa pa rin ni Lance ang magkasama. Hindi mapakali si Lance. Gusto na niyang umuwi dahil kapag hindi pa siya umalis doon ay baka hindi na niya mapigilan ang sarili.

Loved By A Gangster (Published Under LIB)Where stories live. Discover now