Chapter 28: Because I'm Stupid

3K 34 4
                                    


**3rd Person POV

Nagtipon-tipon ang Once Solteros. Walang alam ang lahat tungkol sa sasabihin ng pinuno nila. Tahimik lang silang naghihintay hanggang sa makumpleto na ang lahat.

Nang sandaling makumpleto na sila ay tumahimik silang lahat at naghihintay sa sasabihin ni Lance.

"BOS is coming. The traitors told them that we, Once Soltero, are not able to handle Bandas Subyacentes." punong-puno nang galit ang bawat salita ni Lance.

Darating ang BOS at siguradong magkakaroon na naman ng botohan kung sino ang magiging bagong Supremo.

Kung si Lance ang kinatatakutang gang leader sa buong siyudad . Ang BOS at ang leader nitong si Darius ang kinatatakutan ng mga gang sa halos lahat ng gang sa iba pang sulok ng mundo. BOS stands for Banda Oscura Sangre sa salitang spanish. Dark Blood Gang. Pinakabrutal sa lahat ng brutal. Kaya piling-pili lang ang mga napapabilang sa Bandas Subyacentes nila o Underling Gangs. Isa sila sa mga underlings na yun. Pati na rin ang gang na kumakaribal sa kanila ay underling din nila. Ang Notorious Aces. Simula't sapul na tuma-traydor at kumakalaban sa Once Solteros. Galit at inggit sila sa kanila dahil kay Lance ibinigay ang pagiging Supremo at ang ang pangalang Once Solteros de todo el Notorio. Eleven Bachelors of all the Notorious.

"Hindi nila basta-basta mapapa-paniwala ang BOS kung walang magta-traydor sa mga underlings natin." sabi ni Kevin.

"Exactly." tipid na sagot ni Lance. "May trumaydor sa atin."

"Leslie..." mahinang sambit naman ni Jaron.

"Jaron, your ex-girlfriend is just a bitch but I don't think Leslie and her gang will do that shit." pokered face na sambit niya kay Jaron. Napatahimik naman si Jaron sa sinabi ni Lance.

"Kung hindi ang Zeus Mistress, sino? Sino sa mga hinahawakan kong gang ang trumaydor?" nag-aalalang tanong ni Clyde.

"As Evil as their names." yun lang ang tanging sinabi ni Lance at natahimik na ang lahat. Iisang gang lang naman sa Bandas Subyacentes ang may pangalang Evil....

**Cahriya's POV

Agad akong nagpunta sa favorite place namin nila Nico at Ziri dahil na rin sa sinabi ni Nico. Pagdating ko doon ay nadatnan ko silang naka-upo at tahimik lang na naghihintay.

"Nico.." tawag ko kay Nico kaya napaharap silang dalawa.

Nakangiti si Ziri. Pero ibang ngiti. Hindi na yung ngiting masaya. Hindi na yung ngiting totoo. Puno ng pagkamuhi at sarcasm ang mga ngiting iyon. Paano ko nalaman? Naramdaman ko kasi kaibigan ko siya. At alam kong yun ang totoo..

Lumapit ako sa kanilang dalawa. Kaagad akong sinalubong ng yakap ni Ziri. Hindi ko alam pero hindi ko feel ang yakap niya.

"I missed you so much Riya..." sabi niya saka siya humiwalay sa akin.

"I-i miss you too.." sagot ko. Hinawakan niya ang mga kamay ko at tumingin sa akin na parang nagpapa-awa.

"Riya, I'm so sorry. Sorry sa lahat ng sinabi ko sayo noon. Sorry dahil hindi ko man lang inalam na may dahilan ka pala kaya mo ginagawa yon. I'm sorry. If only I knew." sincere na sabi niya. Here we go again. Naalala ko si KJ sa mga paulit-ulit na sorry na yan.

"Ziri,ayos lang sa akin yun. Naiintindihan ko naman na ganun yung magiging reaction mo dahil nga alam ko namang mahal mo--- minahal mo si Lance. But as you said, I used to plan to break his heart..."

"Teka? You used to plan? So you mean hindi mo na gagawin?" may halong inis at gulat na reaksyon niya.

"Hindi mo alam ang kwento niya Ziri. May pinagdaanan siya noon kaya siya ganyan ngayon. Nasaktan na din siya--"

Loved By A Gangster (Published Under LIB)Where stories live. Discover now