Chapter 29 : A jealous friend

2.7K 30 3
                                    

** 3rd Person POV

Isang bagong umaga. Bagong araw para magsimula ng bagong plano para kay Riya.

"Aish!Nakaka-stress!" inis na sabi ni Riya at ginulo ang buhok na basa pa dahil bagong ligo siya.

"Riya? Tapos ka na ba?"

Napatayo bigla si Riya. Agad naman siyang naglakad papunta sa pinto at inayos na ang sarili niya dahil papasok na siya sa eskwelahan.

"Yeah tapos na." nakangiting sabi niya sa taong naghihintay sa kanya sa labas ng pintuan. Si Jaron.

"Shall we?" at inilahad niya ang kamay niya kay Riya.

Naghehesitate si Riya na hawakan ang kamay ni Jaron. Awkward pa rin ito para sa kanya pero ngumiti lang si Jaron.

"Go on. Walang mangyayari sayo kapag inabot mo ang kamay ko. Didn't I promised you that I will never let you fall?" puno ng assurance ang mga salita ni Jaron.

Ngumiti si Riya. Inabot niya ang kamay ni Jaron at sabay silang naglakad habang magka-hawak ang mga kamay nila. Alam ni Jaron na hindi siya ang laman ng puso ng babaeng may hawak sa kamay niya ngayon. Pero ayos lang yun sa kanya. Handa niyang tiisin ang sakit basta alam niyang siya nagpo-protekta dito.

Nakatingin lahat ng estudyante ng Carson sa dalawang nilalang na bagong dating. Naka-kapit sa braso ni Jaron si Riya at bitbit naman nito ang bag niya.

"Why is she clinging on Jaron's arm?"

"Sila na ba?"

"Gosh! Diba may balitang nabuntis siya noon ni Lance? Napaka-slut pala niya!"

"Yeah. At ang lakas ng loob niyang agawan si Mistress Leslie!"

Humigpit ang hawak ni Riya sa braso ni Jaron. Halos bumaon na ang mga kuko nito.

"Easy. Wag mo silang pansinin. Tandaan mo, ikaw ang reyna ng school na 'to. Pwede mong gawin ang gusto mo sa kanila pero hindi sa paraan na ipapakita mong na-aapektuhan ka. Ipakita mong wala kang pakialam sa mga sinasabi nila. That will be your greatest avenge for them. To show them that you're strong enough and that you will never be down by them." makabuluhang sabi ni Jaron sa kanya. Napangiti si Riya. Tama si Jaron. Hindi niya kailangang magpa-apekto sa mga sinasabi ng ibang tao...

"O andito na tayo. Susunduin nalang kita mamaya amo?"

"Yeah sure."

Nagsimula ng maglakad papalayo si Jaron pero napahinto ito ng magsalita si Riya.

"KJ,salamat."

"Wala yun. Basta para sayo. Alam mo namang mahal kita e."

"KJ,t---"

"Hindi mo kailangang sumagot. Sige aalis na ako amo." ngumiti siya ng malungkot at saka siya naglakad paalis.

"Salamat KJ. Salamat at minamahal mo ako kahit alam mong hindi na ikaw ang gusto ko." mahinang sambit ni Riya at pumasok na sa classroom.

**Riya's POV

Pagpasok ko sa classroom ay sa akin lahat nakatingin ang mga classmates ko. Pati na rin sina Nico at Ziri. Hindi ko sila pinansin at agad na umupo sa upuan ko.

"Magkasama daw kayo ni Jaron?" tanong ni Ziri.

"Oo." maikling sagot ko.

"Riya naman! Pano mo magagawang mapasayo si Lance kung nilalandi mo si Jaron?" medyo mahinang sabi niya pero halatang naiinis.

Kung yung ibang tao, ok lang na sinasabihan ako ng malandi pero pagdating sa kanya na kaibigan ko pa. Masakit.

"Watch your mouth." seryosong sabi ko.

Loved By A Gangster (Published Under LIB)Where stories live. Discover now