Chapter 9: On the other side

5.9K 77 4
                                    


**Gaile's POV

Katapusan ko na ba? Lord! Help me! Lord kapag may dumating dito at tumulong sa akin ,promise po! Gagawin ko lahat ng gusto niya. Kung kinakailangan ko pong magpaalipin gagawin ko po! Maligtas lang ako sa mga manyak na ito!

"TULONG!!!!!!"

Sana may nakarinig! Sana ! Sana!

"Hoy! Kahit magsisigaw ka dyan walang makakarinig sayo!" sigaw sakin nung pangit na matandang hulkluban na yun.

"Waaaaah! Pakawalan niyo na ako! Mga panget kayo!Waaaaah!"

Akmang sasampalin na niya ako ng may pumasok na isang lalaki sa kadiring bodega na 'to. Sinugod siya nung mga manyakis. Pero hindi sila umubra sa kanya. Ang galing-galing niyang makipag-sapakan. Sana naman wag magalusan yung gwapo niyang mukha...sayang naman eh >.>

By the way, I'm Gaile Ramirez nga pala. Mayaman ako pero nag-aastang normal lang. Ayoko kasi ng kina-kaibigan lang ako dahil sa mayaman din ako. Kaya nga pag umuuwi ay naglalakad lang ako. Eto tuloy napala ko. Hinarang ako ng mga manyakis na 'to at dinala sa mabahong lugar na 'to.

"Ok ka lang?" lumapit sakin yung kasama nung gwapong nagligtas sakin. Yung uniform nila kapareho nung uniform ko. So ibig sabihin ,school mates ko sila.

Kinalagan niya yung pagkakatali sakin. Tapos hinila niya ako palabas dun sa bodega,pero tumigil ako.

"Paano siya?" tinuro ko yung lalaking tumulong sakin.

"Kaya na niya sarili niya." tsaka niya ako hinila palabas sa bodega.

Ilang sandali pa, lumabas na rin yung guy. Ni wala siyang kagalos-galos sa katawan niya. Pinawisan lang.....pero gwapo parin.

"Hey? Ok ka lang ba? Maraming salamat sayo ha? Hindi ko alam kung anong mangyayari sakin dun kung hindi ka dumating." lumapit ako sa kanya pero nilagpasan niya lang ako tapos pinuntahan niya yung isang guy na naglabas sakin sa bodega. Hmm? Snobber?

"Humanda ka sa akin Symone! Singit mo lang walang latay!" Grabe! Ang itim ng aura niya! Nakakatakot siyang tingnan!

"Easy ka lang dude! Atleast nakatulong tayo!" humakbang palayo sa kanya yung si Symone.

"Wala akong balak tumulong! Lumapit ka ditong gago ka!"

Kawawa naman si Symone! Baka kung anong gawin sa kanya nitong lalaking 'to. Lumapit ako sa kanya at kinulbit yung likod niya.

"Kuya? Kuya? Wag ka na pong magalit sa kanya. Ako naman po ang may kasalanan eh. Kung hindi niyo po ako nakita, hindi naman po mangyayari to."

Sa akin na ngayon nakatuon yung pansin niya. At masama parin ang tingin niya. Unti-unti siyang lumapit sakin.

"Tama ka. Ikaw nga may kasalanan nito. Kung hindi ka tatanga-tanga,hindi ka sana mapupunta dito,at hindi ka sana namin nakita. Pinaka-ayoko sa lahat yung mga babaeng tatanga-tanga! Kaya kung pwede lang, lumayas ka sa harapan ko! Get lost! Go to hell!"

Oo,tatanga-tanga nga ako. Pero bakit siya ganun? Bakit ang sakit niya magsalita? Lord? Bakit sa lahat ng magliligtas sakin eh yung ganito pa? Bakit po isang mayabang at aroganteng nilalang pa? Pero Lord,nagpromise po ako. Kaya tutuparin ko po yung promise ko.

"*sob* S-sorry. Peros sana bilang kapalit nung pagtulong mo sakin, payagan mo nalang akong maging servant mo. Gagawin ko lahat ng utos mo. Kung kinakailangan kong maging alalay mo,gagawin ko. Mabayaran ko lang yung utang na loob ko."

Halos tumulo na yung sipon ko habang sinasabi ko yun. Nagpipigil kasi ako ng luha ko. Baka kasi lalo siyang magalit sakin.

*kring ring*

Loved By A Gangster (Published Under LIB)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt