Chapter 11: Literally

6.6K 106 13
                                    


**Nico's POV

Anong oras na ah? Bakit hindi pa umuuwi yung kapatid ko? Si Riya din daw hindi pa umuuwi. Saan kaya sila dinala nung lalaking yun?

May nag-doorbell. Teka,baka sila na 'to. Agad akong lumabas para pagbuksan kung sino man yung dumating. Si Princess nga ito, kaya lang hindi si Riya yung kasama niya. Lalake.

"Bakit ngayon ka lang? Maga-alas dose na ah? Sino yang kasama mo? Asan si Riya?"

Tinignan ko yung kasama niya mula ulo hanggang paa. Matangkad nga, pero mas gwapo parin ako!

"Ako po si Clyde. Hinatid ko lang po si Princess dito kasi bigla pong nawala si Riya."

Si Princess mukhang pinagbagsakan ng langit at lupa. At si Riya? Nawawala? Weh?

"Paanong nawawala? Diba kasama ninyo yung si ano... ano na nga kasing pangalan non?"

"Si Kuya Jaron." sagot ni Princess.

"Ahh oo, yun na nga! Nasan yung lalakeng yun? Bakit hindi siya yung naghatid sayo?" Nag-death glare sakin si Princess tapos humarap siya dun sa kasama niya. Ok? Anong ginawa ko?

"Ah.. Clyde,thank you nga pala sa paghatid. Balitaan mo nalang ako pag may nakakita sa inyo kay ate Riya."

"Sige. Alis na ako." humarap siya sakin.

"Alis napo ako."

Tumango lang ako sa kanya at tinignan naman si Princess na inis na inis. "Napano ka?" tanong ko, Tumingin siya sa akin at inapakan yung paa ko!

"Aray! Ano nanamang problema mo?" ang sakit nun ah! May bakal ata paa ng kapatid ko eh!

"Nakakainis ka! Imbes na napa-pasok ko pa siya sa loob at nakapag-usap pa kami ng matagal eh hindi na nangyari! Bwiset ka kuya!!!!" pinagpapalo niya ako. "Pwedi namang sa loob ka nalang sana nagtanong no? Argh!" ,sinangga ko naman yung mga palo niya at piningot yung tenga niya.
"A-a-aray kuya!"

"Ikaw! Kanina ka pa nananakit ah! Dun tayo sa loob. Dun mo ikwento sakin yung nagyari kay Riya!"

**Fallah's POV

Nagtataka kayo kung sino ako?

Ako si Fallah Gimena. Ang mabait at magandang bestfriend ni Krissa. And speaking of Krissa, bakit kaya ang tagal niya? Kanina pa ako kating-kati na umuwi eh! Nakaka-ilang kasi dito sa bar =__=

Pwede naman kasing sa restaurant nalang kami magkita no? Pero kung sabagay? Wala ng bukas na resto sa mga ganitong oras.

"Hi Miss." may lalaking tumabi sa akin habang nakaupo ako sa may bar. Cute siya kaya lang amoy playboy.

Ngumiti lang ako sa kanya at muling humarap sa cellphone ko.

"I'm Nate. And you are?"

"None of your business." humarap ako sa kabilang side at pagharap ko...

Ang lakas ng tibok ng puso ko. Na-estatwa ata ako. Pano ba naman! May lalaking nakangiti sa akin sa kabilang side na to. And he's so gwapo!

"Sungit mo naman."

Hindi na pala siya gwapo. Sabihan ba naman akong masungit?

"Nakikipagkilala lang yung kaibigan ko. Pansinin mo naman."

Ah so magkaibigan pala sila. Kaya pala.

"Sorry pero wala akong oras para sa mga kagaya niyo." tumayo na ako sa upuan.

Loved By A Gangster (Published Under LIB)Where stories live. Discover now