Chapter 40: "Because I was loved by a gangster." (Last Chapter)

5.3K 73 11
                                    

 **3rd Person's POV

Agad na nagmadali ang buong gang para pumunta sa HQ ng Blackspade. Pagdating nila doon ay agad silang sinalubong ng mga goons at sumabak agad sila sa madugong labanan. Pero sa halip na makipag-bakbakan, lumusot nalang si Cojie at agad na nagpunta sa isang silid na alam niyang pinaglagyan kay Fallah.

Pumasok siya agad doon at kinalaban ang mga goons din na nagbabantay sa kanila. Kinalaban itong mag-isa ni Cojie. Kinaya niya itong mag-isa para lang mailigtas si Fallah.

Pinagtulung-tulungan siya ng mga ito pero nakaya niya itong kalabanin lahat at nagawa niyang lapitan si Fallah para matanggal ito sa pagkakatali sa kanya.

"Ayos ka lang?" agad na tanong ni Cojie sakanya habang mabilis na tinatanggal ang tali sakanya.

"Ayos lang ako, ikaw? May sugat ka! Umalis na tayo dito Cojie!" nag-aalalang sabi sa kaniya ni Fallah.

Nang patayo na sila para umalis ay agad namang hinampas si Cojie ng mga upuang kahoy at kung anu-ano pang matitigas na bagay. Hindi niya ito ininda sa halip ay hinarap niya pa ang mga ito at kinalaban.

"Fallah! Umalis ka na! Kaya ko na 'to!" sigaw ni Cojie.

Nagdadalawang isip si Fallah kung iiwan niya ito pero mas minabuti na rin niyang umalis para na rin makahingi siya ng tulong.

Ngunit wala siyang kaalam-alam na ang isa sa mga goons ay nakita siya, kung kaya naman hinabol siya nito na may dalang panaksak.

Malapit na sana siyang mahabol nito para saksakin ng bigla itong harangin ni Cojie at siya ang napuruhan. Napaharap si Fallah at nakita ang sinapit ni Cojie, lalapit pa dapat siya dito ng bigla nalang may humampas ng bakal na tubo kay Cojie sa ulo. Sumigaw si Fallah at tumakbbo papalapit sa duguang kasintahan.

----

Mabilis na nakarating ang iba pang kasamahan ni Cojie sa lugar kung nasaan sila. Pinagtulungan nilang kalabanin ang mga natitira pang goons.

"Cojie! Please don't leave me! Please!" umiiyak na sambit ni Fallah habang yakap-yakap sa kandungan niya ulo ng kasintahan.

"I-i will never l-leave you. I w-will always be with you." kahit nahihirapan na ay pinilit pa rin niyang magsalita.

"You'll be fine.. God please! D-don't..." halos humagulgol na si Fallah dahil sa kabang nararamdaman niya. Nasa bingit ng kamatayan ang kasintahan at wala siyang magawa kundi umiyak.

"I-i will always l-love you.." mahinang sambit ni Cojie kasabay ng pagpikit ng mga mata nito.

**Stefan's POV

Alam kong wala naman akong magiging lugar sa puso ni Monique. Kahit anung gawin ko hindi ko siguro mapapalitan si Lance sa puso niya. But I'm still trying. Even if it will takes forever to make it.

"Stefan! Dalhan mo ako ng ensaymada mamaya ha? Yung maraming cheese!" masayang bilin sa akin ni Monique bago kami maghiwalay ng ihatid ko siya sa school niya.

"What's the catch?" tanong ko sa kanya. Sandali siyang nag-isip at saka ngumiti ng malapad.

"Edi ililibre kita ng favorite mong ice cream galing sa Yellow Cab! Basta damihan mo ng bili nung pinapabili ko ah?" parang batang sabi niya.

"O sige na nga. Sige pumasok ka na."

"Ok. Bye Stefan! Ingat ka!" nag-wave siya sa akin at pumasok na sa loob ng campus.

Napapangiti nalang ako ng mag-isa sa tuwing nakikita siyang masaya. Sana lagi nalang siyang ganiyan.

"Sana sa bawat ensaymadang dinadala ko sayo, kahit papano unti-unti binibigay mo ang puso mo bilang kapalit."

Loved By A Gangster (Published Under LIB)Where stories live. Discover now