Chapter 34: Last Farewell

2.6K 31 1
                                    

**Jaron's POV

I got a call from my brother that night just after I perform in the bar. My parents want me to go there. In U.S. Well, I guess that's the best way to mend this broken heart. Until now. I still don't know if I can face them after what I saw yesterday..

Baka kasi pag nakita ko si Riya...hindi ko mapigilan ang sarili kong kunin siya ng sapilitan kay Lance. Pero kahit anong iwas ko pilit talaga kaming pinagtatagpo ng tadhana.

Sa paglilibot ko sa mall nakita ko silang magkasama ni Lance. They look so happy. Huh.. Looking at them seems to be a torture to me. Torture but I still found myself spying at them. Nang biglang tumakbo si Riya papunta sa banyo. Dinaanan niya ako pero hindi niya ako napansin. Si Lance naman lingon ng lingon. Parang hindi niya alam kung saan nagpunta yung girlfriend niya.

Lumabas na siya. Shit. Makikita niya ako.

"Hey! This will only take a while so just bare with me ok? I'll pay you." bulong ko dun sa babaeng hinila ko na papasok pa lang sana sa cr.

"Make sure you're going to pay me. Coz if not i'm gonna kick your ass. I swear." bulong din niya sa akin.

Magkatitigan lang kami. Hinihintay na dumaan si Riya at hinihiling na wag sana kaming mapansin.. Pero hindi ganun yung nangyari. Nung nakita niya kami tinitigan lang niya kami.

"What's your name?" tanong ko sa babaeng kasama ko.

"Kiara."

"Ok, Kiara. Dodoblehin ko yung bayad ko sayo. Just let me kiss you." Nanlaki yung mata niya sa sinabi ko pero agad din namang nawala. I was going to kiss her but Lance came. And the rest is history...

------

"Here. Doble yan kahit hindi natuloy yu------"

"O ayan. Natuloy na. Worth it na yung bayad mo sa akin." nakangiting sabi niya

"You're fast."

"Gusto ko lang na maging worth yung bayad mo. Sya sige, aalis na ako."

-------

"Kevin, please tell everyone I'm having a despidida party tomorrow."

"Huh? Aalis ka?"

"Yeah. I'm going to US. Ikaw na bahala magsabi sa kanila. 4 am. Sa bahay."

"Oo sige ako na bahala."

Nakapag-desisyon na ako. Kailangan kong umalis para makalimot, para hindi makagulo kila Riya at Lance.

-----------------------

Nandito na kami ngayon sa resort namin. Kumpleto ang buong gang kasama ang kanya-kanyang girlfriends nila. Well, gusto nila yan eh. Hayaan na. Tsaka para may magbantay sakanila. Knowing them? Walang palalampasing magagandang babae ang mga 'to.

Kasalukuyang kaming nakaupo sa buhangin ng mga kaibigan ko. Alam kong mali pero hindi ko mai-alis ang tingin ko kay Riya. Sino ba namang hindi mapapatingin sa kanya e lalong lumutang kagandahan niya.

"Ganda ng girlfriend ko no?" pagmamayabang na sabi ni Lance sa amin.

"Warfreak naman." bulong ni Yro na katabi ko.

"Hello handsome." sabi nung babae na may kasama pang ibang magagandang babae.

"Hi." sagot ni Lance sa kaniya. Psh. Parang kanina lang pinagmamalaki niya si Riya tapos titingin sa ibang babae?

"May kasama ba kayo? Alam nyo kung wala, pwedeng-pwede namin kayong samahan." medyo flirty na pagkakasabi nung isa.

Nagtinginan kami nila Lance, Nate, Kevin, Errol, Clyde at Yro.

Loved By A Gangster (Published Under LIB)Where stories live. Discover now