Chapter 30: Another Rival?

2.7K 31 3
                                    

** Stefan's POV

Badtrip! Nakakainis talaga ang mga babae! Makakita lang ng gwapo nagkakagulo na. Tsk! Yung mga ulol na barkada ko naman gustong-gusto. Isang babae lang talaga yung hindi tinablan ng ka-gwapuhan ko e. Yung pesteng babae na nagpahiya sa amin ni Aldrian nung isang araw. Pag nakita ko talaga yun. Lagot siya sa akin!

Teka...

"Hey!" tawag ko sa kanya tsaka ako tumakbo papalapit sa kung nasaan siya at iniharap siya sakin. "Ikaw nga! Yung walang hiyang babae na nagkalat na bakla ako!" galit na sabi ko sa kanya.

She look drunk. Lasenggera pala to eh.

"Oooy! ikhaw shi ano djiba?" turo niya sa akin pagtapos ay natumba na siya sa bisig ko. Aish! Kahit kailan talaga perwisyo sa akin 'tong babaeng 'to! Buti nalang at malapit nalang yung kotse ko dito kaya naisakay ko na siya agad. Psh. Mag-uuwi pa ako ng babae ng di oras.

Pagdating sa condo ko ay inihiga ko agad siya sa kama ko. Tinaggal ko yung sapatos niya at kumuha ng basin and towel. Wait.... ngayon ko lang na-realize. She's a student from Carson University. She's still in her uniform. Tss. Pasaway na bata.

"Hmm..." ungol niya tapos ay bumalikwas siya. Nalislis tuloy yung palda niya. Careless. Kung ibang lalaki na siguro yung nakakuha sa kanya, malamang na-rape na 'to.

Lumapit ako sa kanya at inayos yung palda niya. Inamoy ko siya. Amoy alak! E kasi nga uminom diba? Kinuha ko na yung towel dun sa basin na may warm water at sinimulan na siyang punasan.

Kailangan niya magpalit ng damit, grabe yung amoy nung alak sa kanya. Kaya kumuha ako ng damit sa cabinet ko. May mga sobrang laking shirts naman ako dito na pwedeng ipasuot sa kanya. Nang makalapit na ako sa kanya para bihisan siya ay mayna-realize ulit ako. Stefan? Bakit ba ang slow mo ngayon?

"Paano kita bibihisan e babae ka?" tanong ko sa kanya kahit tulog na siya. Malay ko ba baka sumagot.

Pero hindi naman pwedeng hayaan ko siya na ganyan. Ayoko ng mabaho. Tama! Pipikit nalang ako! Sinimulan ko na ang 'oplan bihis pero nakapikit project ' ko sa baliw na babaeng 'to. Mahirap mangapa dahil baka kung ano ang makapa ko dito. Aish! Pero may nakuha ako. I.D ata 'to? Well, tinignan ko muna. Para man lang malaman ko yung pangalan niya at masingil ko siya sa utang na loob niya sa akin.

"Koh, Cahriya Monique Carson" Carson? Kaano-ano niya kaya yung may ari ng Carson University? But why should I care? Kailangan ko pa siyang bihisan.

--

"Kyaaaah! Waaaaah! Mommy! Daddy! Ateeee! Waaaah!" nalaglag ako sa kama dahil sa sobrang pagwawala ng baliw na 'to. Tsk! Ano ba problema niya?

"Hoy! Ano ba problema mo?" tanong ko sa kanya.

"Ikaw! Anong ginawa mo sa akin? Bakit ganito yung suot ko? Bakit ako nandito? Bakit tayo magkatabi natulog? Virgin pa ba ako?" parang batang tanong niya na tuloy-tuloy. I wonder if huminga pa siya nun? At ano daw tinatanong niya? Kung virgin pa ba siya? Aba? Feeling netong babaeng 'to pagpapantasyahan ko siya? Pero mapag-tripan nga.

"Inuwi kita dito kasi lasing ka na. E nanghahamon ka kagabi e. Sino ba naman ako para tumanggi sa nag-aayang grasya? Kaya sinunggaban ko na. Nakaka-enjoy nga e. Alam mo bang-------"

Nagulat ako sa pagsampal niya. Umiiyak siya. Tinatakpan niya ang sarili niya gamit ang mga braso at niyakap niya ang mga binti niya. Psh. Bakit ko ba kasi sinabi yun?

"You took advantage! Y-you rape me! You---You bastard! I will never forgive you!" sigaw niya sakin pero umiiyak pa rin siya.

Tumayo ako at tumingin sa kanya. Huminga muna ako ng malalim bago ako nagsalita.

Loved By A Gangster (Published Under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon